Chapter 24

11 2 0
                                    

"The life we can bring for our future endeavors"

CALI


THAT's the last time we met, after summer, bumalik na kami sa dati naming buhay. Yung masayang kami natapos na go back to reality na. Bumalik na ako sa Manila, dahil malapit na din ang pasukan and I need to enroll to my class. Si Gabby naman, hindi siya makapunta ng Manila sa hindi ko alam na kadahilanan.


Nakaka-connect pa naman kami sa isa't isa through messages pero madalang lang. Si Mikha ang nakakausap ko minsan patungkol kay Gabby ang sinasabi lang niya ay binabantayan nila si Gabby sa mga kilos nito dahil matapos nitong ilipat sa akin ang pera mula sa kaniyang Tatay ay pinaghigpitan na siya.


Mikhaila asked me about the money, but even if I trust her because she's helping us, hindi ko pa din magawang sabihin na nasa akin ang pera. Hindi ko alam, in this time wala akong pinagsasabihan about sa pera ni Gabby kahit na sila Zei pa. Ayaw ko lang na mapahamak lalo si Gabby dahil sa nangyayari. Ngayon pa lang pinaghihigpitan na siya dahil hindi nila alam kung saan niya dinala ang pera.


"Hey are you alright?" tanong ni Zei sa akin. Napahinga lang ako nang malalim sabay napapikit.


"Hindi ako maka-focus sa pag-aaral ko Zei, I'm so devastated, hindi ko alam kung ayos lang si Gabby sa Bulacan," sambit ko sa kaniya. "Ang daming nangyayari. Look isang buwan na kaming hindi nagkikita, even chat ang hirap makipag-chat pati kay Mikha," sambit ko sa kaniya.


"Yeah I know, hindi ko masyadong makita si Mikha sa photoshoot eh, lagi akong solo flight ngayon. Minsan kasama ko si Leo para saluhin yung trabaho ni Quin, pero hindi kami nakakapag-usap pa ni Mikha." Napahinga ako nang malalim sabay napasapo sa aking noo.


"How's Quin?" I asked.


"Well, lately he's facing a lot issues, thanks to his father, governor Theres really works his butt para lang iligtas ang anak niya sa mga accusations," sambit ni Zei.


"Hindi iyon pagliligtas, ayaw lang niyang mabahiran ang pangalan niya, alam mo naman na Theres ang gamit nila Quin. Hindi ko alam kung paano ako pupunta kila Quin, ang daming body guards, kay Gabby naman hindi ko naman siya makausap, ang daming problema," sambit ko sa kaniya.


"Hey, take it easy Cali, alam kong sobrang stressful pero huwag mo munang isipin iyon, okay? Yung kay Gabby, just trust him, gumagawa din ng paraan si Leo para makalapit kay Gabby, besides malapit na din yung graduation niya, baka doon pwede mo siyang puntahan," sambit ni Zei sa akin.


Hindi ko naman alam kung paano ko papakalmahin ang sarili ko, ang dami kong problema ngayon, yung kila Mama din dumadagdag pa sila, kasi yung pinadala ni Papa hindi sapat for now. Tapos natanggalan pa siya nang trabaho abroad.


"Hey andito lang ako ah," sambit ni Zei sabay hawak sa akin. "Don't stress yourself, Cali. Look oh, naha-haggard ka na, ang laki na ng eye bags mo kakaisip kaya hindi ka nakakatulog ng maayos. Madami ka ding mga school works, set aside mo muna yung problem, okay? Yung kila Tita and Tito, hayaan mo muna silang mag-solve ng case na iyon, okay?" sambit niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napatango-tango.


"Yeah, meron pa naman akong 100k, maybe makakatulong naman iyon for now sa amin," sambit ko sa kaniya.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang