Chapter 23

16 3 0
                                    

"Hard to say goodbye..."


SPG... not suitable for children...


CALI

KASAMA ko ngayon si Mikhaila dahil sa biglaan niyang pag-chat. Sinamahan ako ni Gabby pero naghiwalay din kami dahil kasama niya ngayon si Leo. Hindi ko alam kung bakit need pa akong kausapin ni Mikhaila eh makakasama naman na niya si Gabby next week.


"Sorry, Mikhaila natagalan ako kasama ko kasi kanina si Gabby buti dumating si Le—yung kaibigan niya kaya naisipan muna namin na maghiwalay," sambit ko sa kaniya.


"No worries Cali, actually you can call me Mikha na lang, hindi mo naman need banggitin yung buong pangalan ko, pero sorry din ah, I just want to talk to you about Gabby din talaga," sambit niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napailing-iling.


"Okay lang, ano ba yung mga need mo?" tanong ko sa kaniya.


"Uhm how do I put this. Masyado kasing mausisa si Yna in terms sa amin ni Elvis, she wanted na magkaroon talaga kami ng spot sa isa't isa which is very hard to do dahil hindi naman ako gusto ni Elvis, so can you help me. Like ano ba yung mga gusto niya?" tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit need niyang itanong sa akin ang bagay na iyon.


"Wait why do you need to ask those questions, hindi ba matagal na kayong magkasama so mas madami kayong na-share sa isa't isa more than we do," sambit ko sa kaniya. Napayuko naman siya sabay napahinga nang malalim.


"Hindi naman ganon ka-vocal si Elvis sa akin, laging ikaw yung bukang bibig niya eh. Lalo na't malapit kami ni Zeila sa work so may chance na lagi niyang tinatanong if nagkakasama ba kayo ni Zei, or kumusta ka na, ikaw lang kasi yung reason bakit kami nag-uusap." Napatigil ako nang sabihin niya iyon. I don't know if maawa ako sa kaniya o ano, pero dama ko yung lungkot niya nang sabihin niya sa akin iyon.


"Do you like him?" bigla naman siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko.


"What bakit mo naman—"


"I just want to ask if gusto mo ba si Gabby? Matagal din kayong nagkakasama, nung high school tayo doon ko kayo nakitang nagkaroon ng madaming moments especially yung mga kaibigan ninyo and yung family niya boto sa inyong dalawa. To the point na kumalat na din sa school natin yung about sa relationship ninyo," sambit ko sa kaniya.


Napalunok naman siya sabay napahinga anng malalim. "Hindi naman mahirap mahalin si Elvis, he's the guy that always looking for me, kapag need niya ng paglalabasan ng sama ng loob especially if it was you. Nagugulat ako kapag lagi siyang nagtatanong about preferences ng babae, if lahat ng babae same or magkakaiba and paano kita nakikita as babae, kung magkaparehas ba tayo ng preferences, doon pa lang nung high school pa lang Inaaral ka na niya," sambit niya sa akin. Napakapit naman ako sa kamay ko habang kinukwento niya iyon.


"He's a nonchalant person that I ever know but when it comes to you, I really saw the Elvis that is far from I expected. Nakikita ko lang siyang nakangiti if it was you, and the first time I saw him crying nung nalaman niyang naging kayo ni Nate and that time doon ko na-experience na ma-heartbroken kasi meron ka ng mahal na iba, pero bakit... bakot hindi niya pa din ako magawang makita." Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now