Chapter 09

2 2 0
                                    


"I don't know what to do, I feel like I need to make gamble, but I'm afraid to become hurt... again."

CALI


HE'S LOST, pero paano? Hindi ko alam kung bakit ganon yung sinabi ng Ate niya sa akin, but ang weird I feel like okay naman siya eh. Naku-curious na ako sa buhay ni Gabby but I can't dahil sa ginawa ko pa lang sa kaniya feeling ko wala na akong maihaharap na mukha sa kaniya.


Napatingin ako sa GC namin at nakita ko na nag-aaya si Zei ngayon, hindi ko naman alam kung papatulan ko yung aya niya but maybe this is good dahil wala naman kaming ginagawa ngayon at para makapag-usap kami.

Nagbihis na agada ko ng dapat kong suotin. Matapos no'n ay umalis na ako sa bahay, wala naman din sila Mama doon eh so bakit pa ako mag-stay doon, kaya nga ako umalis kahapon dahil sa problem nila dito sa bahay but they didn't know my own problems.


"Sorry natagalan, traffic din kasi eh, asaan pala yung iba?" tanong ko kay Zei nang magkita na kami.

"As usual, madaming ganap, yung iba busy sa assignments nila. Gusto ko lang naman umalis eh, ayaw pa nila," natatawang sabi niya.


"So ano tayong dalawa lang?" tanong ko sa kaniya. "Weird tayo na naman ang magkasama," natatawa kong sabi sa kaniya.


"Alam mo kung ayaw mo akong kasama, sige na doon ka na sa Elvis mo," sambit ni Zei sa akin. Agad ko naman siyang pinalo sa braso niya dahil sa sinabi niya.

"Baliw, kaya nga ako nandito eh tapos gaganyan-ganyan ka," sambit ko sa kaniya. Bigla naman akong napatingin sa likuran niya dahil nakita ko ang pamilyar na tao sa paningin ko.

"Wait si Quin 'yon ah," sambit ko. Agad ko naman siyang hinatak at dali-daling lumapit kay Quin.

"Quin, buti andito ka, akala ko hindi ka pupunta eh," sambit ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatingin sa amin sabay napatingin sa paligid.

"Sorry?" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa inaasta niya. Ang weird niya ah.

"Lah, baliw oh, 4 months na tayong magka-klase ganyan-ganyan ka. Magkaibigan na nga tayo't lahat-lahat tsaka mo kami bibigyan ng ganyang prank. Sige na, na prank mo na kami," sambit ni Zei. Napangiti naman siya sabay napailing-iling.

Napakunot lang ang noo ko sabay napatingin sa kaniya ng masinsinan. "Weird mo ngayon, tapos yung looks mo, hindi naman ikaw ganyan ah, hindi ba bagsak lagi yung buhok mot apos ngayon naka hair gel ka? And glass?" tanong ko sa kaniya.

"Naks naman baka may pino-pormahan, sino'ng babae? Kinakahiya mo na ba kami?" sambit ni Zei sa kaniya.

"Ah, baliw, hindi ah," alinlangan niyang sabi. "Syempre prank lang, ito naman si Cali," sambit niya kay Zei. Napakunot lalo ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sino ang bangag sa aming dalawa.


"Huh? Ano'ng tawag mo sa kaniya?" tanong ko sa kaniya.

"Cali, tapos ikaw si Zei hindi ba?" sambit niya. Nagkatinginan naman kami ni Zei sabay nagtawanan.

"Baliw, ano in game ka ba ng tanga-tangahan?" natatawang sabi ni Zei. "Cali," sabay turo niya sa akin. "Zei," turo niya sa sarili niya.


"Gusto mo pakilala pa ako eh, Ameerah Zeila Tiago, and she's Calista Grace Tuazon," sambit ni Zei. Napangiti naman siya sabay napatango-tango.

"I'm L—Drazen Joaquin Theres," sambit niya. Napatawa naman si Zeila dahil sa sinabi nito.

"Oo alam namin, alam din namin na anak ka ng Politician na si Diego Theres, oh tapos kami kinakalimutan mo," sambit ni Zei sa kaniya. Napangiti naman si Quin dahil sa sinabi ni Zei sa kaniya.

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now