Chapter 18

3 3 0
                                    

"The truth that will lead us to our way..."

CALI

HINDI pa din mataggal sa isipan ko yung mga nangyari kanina, nababaliw na talaga ako. Minsan ang sarap sapakin ng sarili ko, ako na mismo ang nagsasabi noon na lalayuan ko siya pero heto ako, nakikipagtuos sa isip ko kung itutuloy ko ba o hindi.


Ako pa mismo ang nagsabi na dapat layuan ko siya pero ako itong nandito sa sitwasyon kung asaan isang kuwarto na lang ang pagitan naming dalawa. Bakit ba kasi ako naging marupok? Like Lord ito na talaga yung character ko? Wala bang pa character development jan, ito na talaga iyon? Kasi kung ito na iyon nakakatakot ang future self ko.


Napabangon na lang ako sa higaan ko sabay kinuha ang cellphone ko. Alauna nan ang madaling araw pero yung katawang lupa ko gising na gising pa din. Gusto ko lang namang magpaantok at matulog pero bakit hindi binibigay ng katawan ko iyon?


Naisipan ko na lang na lumabas sa kuwarto ko at kumain na lang ng pansit canton. Gawain ko dati nung high school pa ako na kapag hindi ako makatulog magpapakabusog na lang ako. Tutal madami din namang tumatakbo sa isip ko, kailangan na lang talaga itong idaan sa pagkain para mawala yung iniisip ko.


Paglabas ko, nagulat namana ko nang biglang bumukas ang pintuan sa tapat ko at doon ko nakita si Gabby na gising na gising din, suot ang sando niya na kulay gray at pajama. "Hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa akin. Napalunok naman ako sabay napaiwas ng tingin sa kaniya. Bakit ba kahit madaling araw na ang fine pa din niya, kahit ang gulo ng buhok okay pa din siya tignan. Ganito ka ba talaga sa mga anak mo Lord? Like bakit hindi fair, hindi naman ako ganyan kaayos kapag nagigising.


"Ah, kasi hindi ako makatulog eh," sambit ko sa kaniya. Dahil kasi sa 'yong bwisit ka, kung hindi mo sana ginugulo ang isip ko edi sana tulog na ako ngayon, wala sana akong iniisip eh pero ang dami mong banat kanina edi ito ako ngayon gulong-gulo na.


"Gusto mong kumain? Pwede kitang ipagluto, hindi din kasi ako makatulog eh, naalimpungatan lang ako pero hindi na din ako makabalik sa tulog," sambit niya sa akin. Hindi na din naman ako nag-inarte pa at sumama na lang din sa kaniya sa baba. Tulog na sila Mama at Jay kaya minabuti namin na maging tahimik.


Habang nagluluto siya, hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa kaniya habang ginagawa niyang magluto. Nakasuot siya ngayon ng salamin dahil sinabi niya nagbabasa daw siya, pero bakit nagiging fashion? Ano bang klase itong lalaking ito!


"Ano'ng gusto mong flavor, pure na maanghang or mix?" maayos niyang tanong sa akin.


"Mix na lang para hindi ganon kaanghang," sabi ko sa kaniya. Napangiti naman siya sa akin sabay itinuloy niya ang pagluluto niya. Habang nakatalikod siya sa akin at busy siya sa pagluluto. Hindi ko maalis ang tingin ko sa likod niya. Ibang-iba talaga yung built niya kapag naka-tshirt. Hindi kasi makikita yung labad ng katawan niya kapag naka-t-shirt palibhasa kasi mahilig sa maluluwag na damit, tapos yung kulay kayumanggi niyang kulay talaga na nagko-compliment sa kaniya.


Yung height niya, yung waist circumference, tapos isama pa yung pwentan. Ang unfair talaga na bakit karamihan sa mga lalaki ang ganda ng shape sa pwetan ang tambok, ang unfair na gusto namin ng ganyan pero napupunta sa kanila!

Wild Summer Escapade (Connected Hearts #1)Where stories live. Discover now