XII

1.6K 101 9
                                    


EXT. SHED - AFTERNOON

5:14 p.m.

Robin
Bubuntot ka lang ba talaga sa 'kin?



Mikhail
Can I walk with you?
It's my free time, I don't have anything else to do.



Robin
Ay . . . okay.
Sige.




Mikhail
I thought maliligo ka rin?
Where are we heading?



Robin
Mag-iigib.
Baka wala na namang tubig, e.
Uunahan ko na, kukuha na ako.


Mikhail
Okay. I'll help.



Robin
Ang shala.



Mikhail
Ha?
Why?


Robin
Wala naisip ko lang.
Mikhail Agassi, A-list actor, one of the highest paid at in demand ngayon sa entertainment industry, tapos pinag-iigib ko lang ng tubig at pinagbubuhat ng timba?


Mikhail shrugged.

Mikhail
I don't mind.


Robin
Talaga?


Mikhail
It's better than doing nothing?
Also, workout na rin since walang malapit na gym dito around sa area.



Robin
Ah . . .


Mikhail
Does that bother you?



Robin
Ang alin?



Mikhail
That I'm . . . that.
All of the things you mentioned.


Robin
Ah . . . 'di naman.
Na-realize ko lang bigla. Kasi ngayon tingnan mo, mukha lang tayong nag-babahay-bahayan lahat at role playing dito sa set. Kumbaga nasa workplace tayo pero paglabas natin dito, ikaw, hinahabol ka ng camera. Simpleng lingat mo lang din may makakakilala na agad sa 'yo, gano'n. Tapos na-realize ko lang bigla na oo nga pala, para sa iba ang kinang-kinang n'yo. Minsan nakakalimutan ko 'yan.


Mikhail
And for you?



Robin
Para sa 'kin?


Mikhail
Are we not shiny anymore?



Robin
Hmm . . . ewan?
Immune na siguro ako?



Mikhail
No more star factor?



Robin
Wala na.
Hindi na rin ako star strucked, e.



Mikhail
Why?


Robin
Immune na nga kasi. Isipin mo ilang malalaking pangalan kasama natin ngayon dito sa set bukod sa 'yo. Si Direk Arty na super well-known sa mga fantasy-drama series at films niya. Si Ma'am Lara batikang script writer, si Ma'am Dana respected veteran actress, si Francine na hakot awardee, si Kachi rin na back-to-back best actress for two consecutive years. Sinong 'di ma-i-immune do'n?

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon