CCXV

1.3K 102 80
                                    


[Messenger]

Gigi

8:43 p.m.

Gigi
robinhood
lika na dito sa tent niyo ni direk
bumaba ka na dyan
kumain ka na ng almusal mo
kinuhaan ka ng pagkain ni baby loves
dalhin ko sa tent

Robin
okei salamat
pababa na


INT. TENT - MORNING

8:54 a.m.

Gigi
Ba't ka nakabusangot?
Pati kagabi?

Robin
Wala.

Gigi
Ayos lang ba kayo ni baby loves?


Direk Arty
Uy, ano 'yan?
May LQ?


Gigi
Naku, Direk! Itong si baby loves at Robinhood. Nag-aaway ata.



Direk Arty
Bakit?


Robin
Wala po. Sa 'min na lang.


Direk Arty
Teka, 'di sa ayaw ko kayong magbati agad 'no? Pero p'wedeng pagkatapos ng eksena? Baka makatulong din kay baby loves 'yong emosyon.


Gigi
Grabe, Direk?
Pinagkakitaan pa?


Direk Arty
Para mas maganda ang kuha!
Sorry na.


Gigi
Sino bang may kasalanan?


Robin furrowed.

Robin
Dapat ba mayro'ng palaging may kasalanan?



Gigi
Ha?
E kung wala naman pala ba't kayo mag-aaway?


Direk Arty
Ano ba nangyari kasi?



Gigi
Direk, hindi siya magkukwento 'pag nandito ka.



Direk Arty
Gano'n?


Gigi
Oo. Alis ka muna, Direk.
Mag-fifteen minutes walk ka.


Direk Arty
Aba, Gigi?



Gigi
Hehe joke lang!


Direk Arty
Pero sige, mag-CR muna ako bago tayo mag-roll. Basta tandaan, ha? After ng take ang pagbabati.



Gigi
Grabe ka na talaga, Direk.


Direk Arty laughed, leaving the tent.



Gigi
Huy, Robinhood?
Ano na kasi? Kung walang may kasalanan ba't kayo nag-aaway? O kasalanan mo ba 'di mo lang masabi?


Robin
Wala nga.


Gigi
E bakit magkagalit kayo?



Robin
Alam mo naman na may ball sila 'di ba?



Gigi
Ah, oo.
Next month na 'yon 'di ba?



Robin nodded.



Robin
May invitation na raw sa email tapos inaaya ako ni Mikey. Ako na lang daw date niya.



Gigi
Uy! Oo nga!
Bakit hindi?


Robin
Ayaw ko.


Gigi
Ba't naman?


Robin
S'yempre hindi lang naman sila nila Kaching 'yong invited do'n 'di ba?



Gigi
Ha? Malamang?
Pa'no 'yon magiging ball kung silang dalawa lang invited.



Robin
'Di mo 'ko nage-gets, 'te.



Gigi
Ano ba kasi 'yong point?
Bakit 'di mo pa idere—ah.
Okay. Gets ko na.


Robin
Home network din nila 'to.
Ayaw ko silang makita.
S'yempre invited silang dalawa.

Gigi
Pero kasama mo naman si Mikey kahit papaano?



Robin
Alam ko naman 'yon.
Kaso imposibleng 'di ko sila makikita do'n. Ako na iiwas total mundo nila 'yan.


Gigi
Sinasabi mo bang 'di ka belong?



Robin
Hindi, ah?
Ibig sabihin ko lang na lugar nila 'yan. Hindi ko lugar 'yon. Tingnan mo nga sila 'yong may invite, hindi naman ako.


Gigi
Pero pumayag ka na.
Nando'n naman si baby loves. Sure ako—



Robin
Ayaw ko talaga, Ate.



Gigi
Bakit?
E matagal na rin naman 'yon.



Robin
Matagal?


Gigi
Oo.



Robin bit hard inside her lip heaving a deep breath, blinking, and swallowing down the budding fire in her chest.


Gigi
Huy? Robinhood?



Robin
Pabalik na si Direk.
Magpa-actors in ka na, Ate.



Gigi
Hala?
Galit ka na rin ba sa 'kin?



Robin shook her head.



Robin
Hindi.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon