LXV

1.1K 113 31
                                    


INT. TENT - EVENING

7:04 p.m.

Gigi
Huy, Robinhood! Ano 'yon?



Robin
H-ha?



Gigi
Ba't magka-holding hands kayo ni Mikey at bakit ka nangangamatis d'yan?




Robin
Wala, nagpa-alalay lang ako.




Gigi
Weh?



Robin
Oo kasi ang sakit ng likuran ko tapos paakyat 'yong nilalakaran namin kanina kaya kumapit ako sa kanya.




Gigi
'Te, magkaiba ang holding hands sa kapit, ha? Holding hands 'yong nakita ng mata ko kanina.




Robin
E, kapit 'yon para sa akin!




Gigi
Sure ka?




Robin
Oo nga!




Gigi
Ba't ka namumula?



Robin
'Di ako namumula.






Gigi
Girl, malinaw pa mata ko, okay?





Robin
E, hindi nga?





Gigi
So ba't parang hindi ka sure.




Robin
Hindi ako namumula.




Gigi
Bibigyan na kita ng salamin.




Robin
Namumula ba talaga ako?





Gigi
Oo nga, te! Ano ba?




Robin
Hala . . .




Gigi cleared her throat.



Gigi
Nakatingin sa 'yo si Mikey.





Robin
Ha?





Gigi
Tingnan mo. Nakatingin siya sa 'yo.





Robin turned his attention to him.



Mikey
*mouthing*
Are you okay?



Robin nodded and he smiled before looking away.





Gigi
Girl! Ano na?



Robin
Ano? Bakit na naman?





Gigi
Mas namula ka?





Robin
Totoo ba?




Gigi
Oo? Hala?
'Di mo ba namamalayan?




Robin
Ewan ko pero para akong nagpa-palpitate din.




Gigi
Palpitate?




Robin
Dito sa dibdib ko! Para akong nagpa-palpitate.




Gigi
Palpitate o kinikilig ka ba?

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon