XLII

1.2K 99 38
                                    


INT. BEDROOM - AFTERNOON

12:49 p.m.

Gigi
Robin!
Kain ka na.
'Di ka pa raw kumakain sabi nila Mikey.
Dala ko pinggan mo dito.


Robin opened the door.


Robin
Ate . . .



Gigi
Huy! Ba't ka umiiyak?



Robin
Alam mo naman, e.



Gigi
Sino nagsabi sa 'yo?
Nabasa mo ba?



Robin
Narinig ko kanina si Direk saka si Ma'am Dana. Sabi nila finally daw after two years magkaka-baby na 'yong dalawa. Narinig ko pa kay Ma'am Dana na ang tagal daw nila nangulit kay Geraldine kung kailan nila balak bumuo n'ong isa tapos kanina sa tent . . .




Gigi
Ano 'yon?


Robin
Tumawag si Ma'am Dana kay Geraldine about do'n sa balita tapos rinig na rinig ko na excited sila. Lalo si Kieth. I mean, gets ko naman s'yempre.

Gigi
Robin . . .




Robin sobbed on her friend's chest when Gigi pulled her in for a hug.



Gigi
Umiiyak ka na naman sa panget na 'yon.




Robin
Ang daya.



Gigi
Oo alam ko.



Robin
Ang daya-daya kasi, Ate.



Gigi
Shh . . .



Robin
Plano namin 'yon dati, e.



Gigi
Ha?


Robin
Plano kasi namin 'yon. Sabi niya dati 'pagkatapos ng promotion ng film niya, aayain niya ako ng kasal tapos sa unit niya muna kami titira habang tinatayo 'yong bahay na ipagagawa namin.


Gigi
Robin . . .



Robin
Tapos after two years, do'n daw kami magkaka-baby na masusundan ulit after a year para close sila ng age gap saka para may kalaro daw panganay namin. Tapos bibili rin daw siya ng family car para ayun 'yong gagamitin naming lahat.



Gigi
Tahan na.



Robin
Sa 'min kasi 'yon, Ate.
Ang daya-daya niya.
Sa 'kin kasi dapat 'yon.



Gigi
Oo. Madaya talaga siya.




Robin
Bakit pinasa niya kay Geraldine 'yong plano namin? Bakit sila 'yong kinasal? Bakit sila 'yong nagpatayo ng bahay? Bakit sila 'yong may baby ngayon?


Gigi
'Yaan mo.
Ipakulam ko 'yang si Kieth.
Pangit siya.


Robin
Ang unfair lang talaga kasi plano namin 'yon, bakit niya pinasa sa iba? Bakit sila 'yong gumagawa? Ni wala man lang siyang iniba kahit isa.



Gigi
Hay . . .



Robin
Ayaw ko na pala umuwi.



Gigi
Bakit naman?



Robin
Mas okay na ako dito sa bundok na walang signal kaysa pag-uwi natin do'n. Sigurado ako 'yon lang pag-uusapan nila.





INT. TENT - AFTERNOON

1:28 p.m.

Mikey
How is she doing, Ate?
Kinain niya ba 'yong food?


Gigi
Hindi niya pa ginagalaw kaninang iniwan ko, e. Pero sana kumain na.



Mikey
Pero how is she doing?



Gigi
Ayon, umiiyak kanina. Ito nga kukuhaan ko ng yelo para 'di obvious na namumugto mata niya.



Mikey
Can I . . . do it instead?



Gigi
Sure ka?



Mikey nodded.


Mikey
Yup.



Gigi
Sige, ito.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon