CLXXXIV

1.4K 115 61
                                    


INT. GAZEBO - AFTERNOON

1:21 p.m.

Direk Arty
Hindi ba natuloy cramps nito?


Robin
Hindi po, Direk.
Nadaan sa hilot at tubig.



Direk Arty
Buti naman. Hirap pa naman gawin niyan kung natuloy cramps niya.



Robin
Buti nga po naagapan.



Direk Arty
Ay! Nakalimutan ko pala sabihin.



Robin
Ano po 'yon?



Direk Arty
Ikaw na lang magsabi sa kanila ni Kaching. Okay na raw arrangement para do'n sa soundtrack na kakantahin nila, kaso wala pa ako n'ong final na demo. Itong binigay lang sa 'kin 'yong mayro'n. Babalik kasi sila ng Manila sa Biyernes ni Kaching para mag-record.


Robin
Ah! Sige po, ibigay ko sa kanila.



Direk Arty
Open mo na lang bluetooth mo para ma-airdrop ko sa 'yo 'tong dalawang file. Demo 'to pati 'yong final na lyrics.



Robin
Okay na, Direk.



Direk Arty
Ayan, loading.


Robin
Bukas po ba sila aalis?
O next week?

Direk Arty
Next week. Kaya aayusin natin ulit ang timetable dahil biglaan. Ayon lang din kasi 'yong available date ng recording studio para sa kanila.

Pagpapalitin ko na lang 'yong pang Friday next week na scene sana nila Francine para hindi sayang, unahin natin 'yong kila Mikey bukas para kahit wala 'yong dalawa next Friday, ayos lang.



Robin
Okay, Direk!
Copy.



Direk Arty
Pasabihan na lang sila.
Sasama ka rin ba?



Robin
Po?


Direk Arty
Sa Manila.
Ayaw ko ng ibang shotlister!
Magtatampo ako.



Robin
Oo na, Direk.
Dito na.


They laughed.



Direk Arty
Wala ka ba talagang balak mag-artista? Pinanonood ko kayo kaninang dalawa, e. Camera perfect kayo. Malakas ang chemistry.


Robin
Naku, Direk.
Hindi ko po bet.
Mas gusto ko po katulad n'yo.



Direk Arty
Ay oo nga pala!
Ayan, bago ko malimutan ulit. May convention next month. Invited kami nila Gigi pero open for all 'yong event. Sama ka sa 'min, pupunta 'yong isang Direktor na kakilala ko.




Robin
May dress code ba 'yan, Direk?




Direk Arty
Semi-formal.




Robin
May theme?




Direk Arty
Wala namang nabanggit.
Basta semi-formal.



Robin
Okay, Direk.
Sama ako.



Direk Arty
Isama ko na rin si Mikey kung gusto niya. Sakto naman ata wala tayo dito sa set no'n.




Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon