CLXXVIII

1.3K 139 152
                                    


INT. DINING HALL - NOON

12:19 p.m.

Rick
'Di mo lang mapanindigan—


Robin
Ang sabi ko tumahimik ka. Kanina ka pa? Nakakawala ka na ng respeto, e. Wala na akong pakialam kung mas matanda ka dito o kung boss kita pero ano bang pakialam mo sa rule ko, ha? Rule ko 'yon, para sa 'kin. Ano bang ambag mo do'n?



Her jaw clenched and her brow arched.



Robin
Implemented ko 'yon para sa sarili ko kasi tanga ako dati, tingin mo ba para sa inyo? At anong pinagsasabi mong nag-over the bakod boyfriend ko at hindi ko mapalagan? Tingin mo, anong hindi ko kayang palagan? Marunong naman akong magsabi.

Alam 'yon ni Mikey una pa lang. Wala naman siyang tinalon na bakod dito. Hindi nga siya aamin kung 'di ako mangungulit, e. 'Yan ba gusto mong malaman dahil mapanghimasok ka? 'Di niya rin pinagsisiksikan sa 'kin sarili niya. Choice ko na pinapasok ko siya do'n sa bakod na sinasabi mo. Pinagbuksan ko siya mismo ng pinto kahit 'di naman siya kumatok. Nagkusa ako, naiintindihan mo ba? O kailangan ko pang ipukpok sa kukote mo?

Ni minsan din 'di niya ako kinupal o ginago tulad ng tinatawag mo sa kanya. Alam nga niya na may gusto ka sa akin, e. Pinalayo ka ba? Kahit nainis siya no'ng inakbayan mo 'ko, nagalit ba siya sa 'yo? Nitong nanghihimasok ka na, may ginawa ba siya? Siya pa nga inalisan mo ng tent, e. Dinadamay mo na pati trabaho n'ong tao.

At kung idadamay mo rin 'yong sa akin at manggigipit ka, mag-re-resign na ako ngayon pa lang. Effective immediately po, BOSS.



Kachi
I'll resign on this project too if you resign, Ate Robin.


Mikey
Same.
I'll drop this project. Kahit three times pa termination fee sa contract, I'm willing to pay.


Gigi
Quit din ako.
Maghanap kayo ng ibang AD. Tingnan natin kung kakayanin pa ba ng budget ng production ninyo i-cover 'yong loss kapag umalis kaming apat dahil sa 'yo?



Rick
Teka—



Robin
'Wag kang nambabastos.
'Wag ka ring nangungupal.
Pinaiiral mo posisyon mo, e.
Kung kaya mo, kaya ko rin.
'Di ko kailangan ng boss na kagaya mo.



Robin glared before standing up, grabbing Mikey on the wrist.




Robin
'Lika na, love.
Nawalan ako ng gana kumain dito.
May KUPAL.



Mikey
Okay.
Do you wanna eat somewhere else?



Kachi
Wait for me!



The three of them left, leaving Rick who was rendered speechless and Gigi, amused.



Gigi
Ikain mo na lang 'yan.
'Wag ka mag-alala, sasamahan kita dito para 'di ka naman mukhang kawawa.



Rick scoffed, still not talking. His knuckles turned white as he gripped tightly on his utensils while fixing himself a spoonful of rice and Gigi's concocted caldereta.

She watched his movements as he chews, makes a face, swallows, and coughs.


Ricky
Putang ina, ano 'to!


Gigi
Ano nangyayari sa 'yo?



Ricky
Ang anghang gago!


Gigi offered him a glass of water with a devilish smile plastered all over her face. Rick didn't hesitate to down the glass only for the spice to spread out.


Rick
TANGINA!
Sinong tangang nagluto nito?


Gigi gripped on his balled fist on the table.


Gigi
Ako.


Rick
Ba't naman gan'yan ka magluto?


Gigi
Hindi mo ata natatandaan na 'wag si Robin, 'di ba? Ganti ko 'yan para sa kanya dahil hindi mo alam kung pa'no siya nanginig kagabi sa takot dahil sa akbay mong lintik ka. Pasalamat ka pinigilan niya ako kagabi pero gusto kitang ire-report kay Direk pati sa exec prod. Tingnan natin sinong 'di mawawalan ng trabaho kapag ginawa ko 'yon. Power tripping pala, ha?

Good luck. Seventy-three pieces ng siling labuyo at isang balot ng buo-buong paminta nilagay ko d'yan. Sinusumpa kong magka-almuranas ka.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon