CLXXVII

1.2K 132 161
                                    


INT. DINING HALL - NOON

12:18 p.m.

Rick
O? Ba't 'yan na rin tawag mo sa kanya?
'Di ka ba kinikilabutan?


Robin
Bakit? Bawal po ba?



Rick
Mas cute kung baby.
Para kang baby.

Robin winced. Hard.


Rick
Baby.

Gigi
Kumain ka na nga lang d'yan.
Dami mong pinagsasabi.
Ikaw 'yong nakakakilabot, e.


Rick
Mas cute kaya.
Baby ko.


Mikey
What did you just call her?


Mikey settled down their plates, sitting down on the chair next to Robin.


Rick
Ang sabi ko baby.
'Di mo rinig?
Kupal ka na nga, bingi ka pa.



Robin snapped.



Robin
Paki tigilan n'yo po pagtawag sa 'kin niyan kasi ang kadiring pakinggan, pakitigilan din po pagtawag na kupal kay Mikey kasi hindi po siya kupal. At ang bastos din po na 'yon 'yong tinatawag n'yo sa kanya, nasa trabaho pa naman tayo, nakuha n'yo pang utusan 'yong tent boys kahapon na 'wag siya patayuan ng tent dahil lang tingin n'yo nilalaktawan niya 'yong rule ko.



Rick
Totoo naman?
Nag-o-over the bakod siya sa rule mo.




Robin
Ano pong pinag-kaiba no'n sa ginagawa n'yo? Kayo rin naman, 'di n'yo rin sinusunod.



Rick
E kasi nga pinoprotektahan lang kita—




Robin
Hindi po. Wala pong nangyayaring gan'yan. Saka bakit n'yo ba siya pinalalayo saka pinagbabawalan sa 'kin e boyfriend ko siya?




Rick
Ano? Boyfriend?
Akala ko ba bawal?



Robin
Opo. Boyfriend ko po siya.
May problema ba do'n?


Mikey
Love?


Kachi
Ate . . .



Mikey held onto her arm.



Robin
Hindi. Naiinis na ako, e.



Rick
Akala ko ba may rule ka?
Asan na rule mo 'di mo rin pala—


Robin
'Di pa ako tapos.
Tumahimik ka.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon