CLIX

1.1K 101 25
                                    


[Messenger]

Sir Rick

10:27 p.m.

Rick
Sabay daw kayo ni gigi?

10:31 p.m.

Rick
Ano sasakyan niyo papunta?


10:35 p.m.

Rick
Pwede din ba makisabay?


7:03 a.m.

Robin
tulog na po ako niyan sir
sabay din kami ni ate gigi


8:37 a.m.


Rick
Pwede pa ba makisabay?


Robin
nakaalis na po kami



INT. PLANE - MORNING

9:04 a.m.

Gigi
Nag-message ba si Rick sa 'yo kagabi?


Robin
Oo, 'te.
Mga alas-diyes.
'Di ko alam ire-reply ko kaya pinalipas ko hanggang kaninang umaga sinabi ko na lang nakatulog na ako no'n.



Gigi
Nangungulit sa 'kin kahapon kung p'wede raw sumabay, e.



Robin
Ano sinabi mo?



Gigi
Sabi ko bawal.



Robin
Seryoso?



Gigi
Oo.




Robin
Paano kapag inabutan nila tayo doon tapos nakita nila sabay tayong tatlo na dumating?



Gigi
Mauuna naman tayo sa kanila, e.
Mga pasado ala-una pa dating nila.



Robin
Oo. Pero s'yempre pagdating nila baka magtaka na tatlo na tayong nando'n sa loc.



Gigi
Ano naman?


Robin
Ha?


Gigi
Bawal ba kung sakaling magkakasama na tayo do'n? Malay ba nila kung nauna tayo tapos separate biyahe ni Mikey?


Mikey
Oo nga, love.



Mikey played with her fingers.




Robin
Worried lang. Sorry na.



Mikey
It's fine.



Gigi
Pero 'yong sagutan n'yo last time no'ng nag-practice tayo, gano'n pa rin isasagot n'yo ngayon kung sakali?



Mikey
Yup.


Gigi
Robinhood?





Robin
Oo, Ate.


Mikey smiled, rubbing her knuckle, leaning closer to her ear.


Mikey
I love you.



Robin returned his smile, also inching closer to plant a soft kiss on his cheek.



Mikey's eyes widened.


Mikey
Love?
What if nakita nila?




Robin
Hayaan mo na. Nagmamatapang ako kahit ngayon lang.




Mikey did the same.



Robin
O? Para sa'n naman 'yon?



Mikey
So it's fair.
Para may kiss ka rin.



Gigi
Tumigil kayong dalawa d'yan. Ihuhulog ko kayo sa bintana nitong eroplano, sinasabi ko na.



Mikey chuckled.


Mikey
Sorry, Ate Gigi.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon