CX

1.1K 86 23
                                    


INT. ROOM - AFTERNOON

3:43 p.m.


Robin
Ate Gigi?

Gigi
Bakit?


Robin
Tingin mo ba mali ako?


Gigi
Sa'n?


Robin
Na hinayaan ko 'yong rule ko tapos ito, na boyfriend ko si Mikey.


Gigi
Hindi naman.
Alam nating pareho na mabait na bata 'yon si Mikey.



Robin
Alam ko pero para kasing umuulit. Sigurado akong mas pipiliin niya rin career niya kasi s'yempre do'n siya kumikita, e.



Gigi
Robinhood, ayaw ko rin namang maging unfair kay Mikey, ano? Pero naalala mo ba no'ng cinonfirm niya 'yong dinner date n'yong dalawa? 'Di ba sabi mo 'di siya nag-hesitate noon?


Robin
Oo, hindi nga.



Gigi
Siguro p'wede naman natin gawing basis 'yon.




Robin
Sa kanya rin mismo nanggaling.




Gigi
Ang alin?




Robin
Na hindi niya ako i-de-deny katulad no'ng isa. Naniniwala naman ako kasi mukhang wala talaga siyang pakialam kung may makakaalam pero ayaw ko rin naman mismo kung madadamay career niya.



Gigi
Idadamay ko talaga career niya kapag ginago ka. 'Wag niyang baliwalain pagiging assistant director ko dito. Pero tama na. Cut na tayo d'yan. Masyado nang malayo naiisip mo.



Robin
Hindi rin naman kasi biro 'yong dati. Anak ko rin 'yong nawala sa 'kin, Ate. Kaya nga ako may rule kasi ayaw kong umulit hindi lang din naman para sa 'kin. Hindi ko lang din naman pag-iinarte 'yong sinet kong boundary sa sarili ko. Para din 'yon sa anak ko. Kasi gusto ko kapag bumalik siya sa 'kin, maging proud naman siya sa nanay niya, ang laki kasi no'ng pagkukulang ko no'ng unang beses. Kaya gusto ko lang na tama 'yong taong pipiliin ko para sa kanya. 'Yong kaya din kaming piliin kahit anong mangyari. 'Yong fair naman para sa 'ming dalawa.

Kaya napapaisip ako kung tama ba 'tong ginagawa ko o nadadala lang ba ako ng kilig kaya ako pumayag.



Gigi
Girl . . . okay, huminga ka.
Inhale. Exhale.


Robin blinked, wiping the tears on her cheek.



Robin
Gusto ko lang maging pantay para sa 'min, Ate.
Kasi pakiramdam ko ano na naman 'yong talo.



Gigi
Alam mo, ang masasabi ko lang ngayon, magtiwala ka kay Mikey. Kulong na kulong tayo dito sa set, walang signal, 'di rin tayo basta-basta p'wede umalis para bumalik sa Manila. Nagkakasawaan na nga tayo sa mga pagmumukha natin, e. Si Mikey rin madalas mong kadikit lately. Sure naman ako na kinilala mo siya nang maigi 'no?



Robin nodded.


Gigi
Ayun naman pala.




Robin
Para sa 'yo ba, Ate?
Okay si Mikey?
'Yong totoo ha?
Para hanggang maaga pa—


Gigi
Sus! Hindi pa ba halatang boto ako sa kanya?
Sinabihan ko siya sa rule mo pero 'di ko naman hinarang katulad nila Rick dati.





Robin
Okay . . .



Gigi
Magtiwala ka rin naman kay baby loves mo. Have faith, malaking bagay 'yon. Sure akong di ka rin naman hahayaan ng anghel mo. Sabi niya siguro, "mama, winning season na natin, kalma ka lang."



A little laugh cracked out of her.



Gigi
O ayan, 'wag ka nang sumimangot.
Kausapin mo na rin 'yong isa para 'di ka gaano napapa-overthink. Sigurado naman akong may plano din 'yon.


Robin nodded.


Robin
Okay.



Gigi
Very good.



Robin
Ate Gigi?



Gigi
O?


Robin
Salamat. Sobra.



Gigi
Wala 'yon.




[Messenger]

mikey 🦈

4:44 p.m.

Robin
love
sorry di ko nasagot mga tawag mo
pagod lang ako


Mikey
It's okay, love.
Have some rest muna.



Robin
gusto ko sana ng ice cream


Mikey
Vanilla?


Robin
please?



Mikey
Sure.
Wait lang.


Robin
thank you


Mikey
Just ice cream?
Or do you want something else?


Robin
yan na lang muna


Mikey
Okay.
Give me 20 minutes.


Robin
sige lang

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon