CXXIV

1.2K 126 76
                                    


INT. STUDIO - MORNING

10:31 a.m.

Gigi bumped her slightly on her elbow, leaning in to whisper.

Gigi
Girl, ano na?


Robin
O?



Gigi
Focused na focused ka kay baby loves mo d'yan?




Robin
Ate?



Gigi
Ano?



Robin
Ang pogi.



Gigi
Hay naku!



Robin
As in.
I mean, alam naman nating lahat na pogi siya pero tingnan mo. Nakakatuwa na alam na alam niya 'yong mga pose na gagawin niya. Hindi na siya kailangan i-guide ng photographer, kuha na niya agad 'yong angle niya saka 'yong needed na facial expression.



Gigi
E malamang? Ang tagal na niyang ginagawa 'yan?



Robin
Alam ko. Pero ang galing-galing pa rin. Nakakatuwa.




Gigi's eyes squinted at her.




Gigi
Ano 'to? Proud girlfriend moments mo?




Robin
. . .



Gigi
Wala na.
Wala na 'tong kaibigan ko.



Robin
Tingnan mo 'yong presence and pag-command niya sa camera. Ang galing . . .



Gigi shook her head, clicking her tongue.



Gigi
Wala na talaga.



Kachi
Ate Robin!



Kachi approached her when she was finally done with her hair and makeup.



Gigi
Naku, 'di mo makakausap nang maayos 'yan. Naka-focus sa baby loves niya.



Robin
Grabe ka naman?



Gigi
Totoo kaya.



Kachi
Hay . . . lovers.



Gigi
'Di ba, 'no?
Kaumay.



Robin
Maka-ganyan ka parang 'di ako nagtitiis sa inyo ni Kuya James dati hanggang ngayon ha?



Kachi
By the way, Ate, tuloy ba tayo later?




Robin
Oo. Pero dadaan muna ako sa grocery saglit.




Kachi
Okay.
Sabay na ba tayo, Ate?



Robin
Hindi na siguro.
Kasi baka magtaka si Mikey ba't ako sasabay sa 'yo. Surprise ko kasi sana 'yong cake sa kanya. Sunod na lang ako sa bahay mo, pahingi na lang ng address.



Kachi
Okay. Will send you na lang later address ko, Ate.



Robin
Sure, sige.
Thank you ulit!



Gigi
Bakit?
Para saan?



Kachi
She's going to bake a cake for baby loves.



Gigi
Aba? Ikaw? Bake?
Ni paggawa ng pastillas inaayawan mo tapos bake?




Robin
Bakit ba?!



Gigi
Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.
Nakakaloka!


Robin
Ikaw mismo nagsabing nag-back and fourth ka sa ganito tapos gumaganyan ka d'yan?



Gigi
Aba, s'yempre?


[Twitter]

M 🩵 @mikeypookiebear
da who kaya yung kasama ni mikey magbreakfast kanina?

M 🩵 @mikeypookiebear
ang ganda niya talaga di ako mapakali

M 🩵 @mikeypookiebear
tatanong ko lang din sana san niya nabili yung off shoulder niyang autumn orange na top
| M 🩵 @mikeypookiebear replied:
patanong naman sa kasama mo kanina please tnx @mikhailagassi

[Messenger]

MESSAGE REQUESTS

Maurice Trinidad

11:03 a.m.

Maurice
Hi, anak! I'm Mikey's mom.
My son just told me about you kasi nangulit ako. I hope you won't take it against him kasi he also said na secret pa raw ang relationship ninyo. I looked you up and wanted to say hi. I also saw some of your pictures available here on your account and you really remind me of my younger years. Same ata ang preference ni Mikey at ng husband ko. Manang-mana.

11:06 a.m.


Maurice
Also, please don't tell Mikey I reached out.
Pagagalitan niya ako baka hindi na ibigay yung bag ko. I just wanted to introduce myself and to say hi para kapag pinakilala ka niya sakin, hindi na tayo magkakahiyaan.

11:09 a.m.


Maurice
Can't wait to meet you soon.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon