CCIII

1.4K 127 98
                                    



(2 Missed calls from mikey 🦈)


INT. TENT - EVENING

6:08 p.m.


Rick
Ang gusto ko lang naman malaman bakit siya lang nabigyan ng chance. Halos isang taon ako dito, nauna ako, pero si Mikey ngayon lang tapos pumayag ka agad?


Robin
Ha?


Rick
Totoo naman 'di ba?


Robin
Ano ba 'to first come, first served basis? Dahil lang nauna kayo sa kanya? Hindi ba importante 'yong part ko? Na kung sino gusto ko? Wala ba 'yon sa bearing? Na may sarili din akong desisyon at 'yon ang masusunod?



Robin scoffed. She also paused to collect her senses.



Robin
Sir, makinig kayo sa 'kin kasi hindi ko na to uulitin, okay?



Rick sighed, nodding.



Robin
Ayaw ko sanang mag-explain kasi 'di ko talaga makita 'yong point kung bakit kailangan kong magpaliwanag sa inyo. Pero, sige, para malinaw na rin tayo dito at wala ng confusion, hindi naman talaga nanghingi si Mikey ng chance sa 'kin.

'Di ko nga alam na gusto niya 'ko kung 'di ko siya kukulitin. Saka katulad n'yo, alam niya rin 'yong rule ko pero hindi rin naman siya nag-act pumorma sa 'kin o kung ano pa 'yon. Hindi siya nangulit. Aware siya kung hanggang saan lang p'wede.

Hindi ko masasabi na hindi nag-act si Mikey sa feelings niya. Kasi ginawa niya 'yon . . . tapos hindi ko alam na ginagawa na pala niya.


Rick
Ha? Binastos ka ba?



Robin
Hindi. Hindi niya ako binastos o kahit ano. Walang ginawang gano'n si Mikey. Bakit ba kasi iniisipan n'yo agad ng masama at na masama 'yong ginawa niya sa 'kin kahit walang nangyaring gano'n?

Ibig sabihin ko lang naman na in-express sa 'kin ni Mikey 'yong feelings niya nang hindi ko nahahalata at na wala siyang pinapaalam sa 'kin. Hindi ko halata kasi wala namang siyang nilalabag na boundaries ko. Parang normal lang 'yong kilos niya tapos nando'n pa rin siya sa kung hanggang saan puwede. Na kahit alam niya na baka walang chance, ginagawa niya pa rin hindi dahil gusto niyang baguhin 'yong isip ko. O kung sakali na kapag may ginawa siyang isang bagay, bigla akong pumayag.


Rick
. . .



Robin
Naiintindihan n'yo po ba? Hindi lumapit sa akin si Mikey kasama 'yong thinking na baka sakali, matitibag at maaakyat niya 'yong pader. 



Rick
Gano'n din naman kami, ah?



Robin
Sir, sorry. Pero hindi. Lalo na no'ng nag-inuman tayo no'ng birthday ni Mikey. Naaalala mo ba 'yon? Sabi mo sinarapan mo luto mo ng crispy pata kasi alam mong kakain ako. May motibo ka, e.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon