XCIII

1.1K 105 23
                                    


[Messenger]

Gigi

12:52 p.m.

Robin
gets ko na

Gigi
ang alin?



Robin
na ang pogi pogi pogi pogi niya



Gigi
HUY KA?



Robin
kanina kasi nadaanan ko siya dun sa may duyan, akala ko nga nakaidlip kasi nakapikit lang siya, nagkakabisado pala ng lines pero ayun, ang pogi pogi niya kanina ang haba ng lashes


Gigi
okeeeei



Robin
tapos ano
kasi diba nga bday niya



Gigi
bakit ano meron?



Robin
tinanong ko kung may birthday wish ba siya para kung sakali, alam mo na. pwede natin i-surprise dito sa set


Gigi
ay oo nga
ano raw wish niya?
para masabihan ko rin si direk



Robin
wala na raw kasi granted na



Gigi
ang bilis naman?
ano ba yung wish?



Robin
makita daw ako



Gigi
OMG KA???


Robin
gusto niya lang daw na batiin ko siya tapos makita ako ngayong araw kasi nga iniwasan ko




Gigi
grabe na talaga


Robin
te yung kalabog na naman sa dibdib ko ang lakas



Gigi
ay alam mo masasabunutan na rin kita e
napakahaba ng buhok mo


Robin
pero ano
ang pogi niya talaga kanina


Gigi
matagal na naming alam robinhood



Robin
pogi naman talaga siya dati pa
ewan ko bat parang iba ngayon


Gigi
kasi sa ibang lens mo na siya tinitingnan



Robin
ganon ba yun?


Gigi
natatawa ako sayo bat ka ba nagtataka?
nagkajowa ka na naman na dati


Robin
kasi hindi naman ganito dati


Gigi
ows?



Robin
sunggab sunggab lang dati


Gigi
HUY


Robin
totoo naman e diba?
parang di mo alam


Gigi
oo na marami kang boys
tapos si kieth
tapos wala ng boys


Robin
diba? :(
hindi ko talaga alam anong meron kay mikey
pero namimilipit ako sa kanya




Gigi
hahahahahahaha
masabihan nga si kaching


Robin
te naman!


Gigi
siya lang karamay ko dito aba



Robin
oo na sige na
magluluto na ako



Gigi
okeeeei
ipagluto mo na si baby loves



Robin
nahawa ka na kay kaching!


Gigi
kilig ka naman




INT. KITCHEN - AFTERNOON

1:12 p.m.

Clarice
Ate Robin, sure ka hindi mo kailangan ng tulong d'yan? Kagagaling mo lang sa sakit, e.




Robin
Hala, hindi ayos na. Madali lang naman 'tong iluluto ko saka kaya na ng balakang ko.



Clarice
Kahit taga balat o hiwa lang, Ate?



Robin
Hindi na, okay na.
Thank you!



Clarice
Sige.


[Messenger]

Sara Tolentino

1:23 p.m.

Mikey
Is that real or edited?


Sara
It's real!
Naka tag and mention ka talaga sa post ni Celeste.


Mikey
Oh... hahahahaha



Sara
Nagulat kaming lahat
Nagrerewatch na rin sila ng movie ninyo before tatlo na yung trends. Birthday mo, Celeste, and yung movie ninyo


Mikey
I see


Sara
Why do you sound so underwhelmed?




Mikey
Because I don't know how to react? Ginuide ko lang naman kasi siya before sa set kasi first big project niya and nangangapa rin siya. I was just being nice



Sara
Ahhh
Okay, I get it.
Pero a lot has been sayong both facebook and twitter na you'd look together as a couple. The people wants you to date


Mikey
Why would they decide that for me?
Kasi wala akong girlfriend?



Sara
Yes, the primary reason
Oplan hanapan ka nga raw ng girlfriend sabi ng fans mo. Ang dami nilang entries pero itong si celeste dinaan talaga sa personal post kaya maraming nagulat



Mikey
Okay



Sara
Why do you seem underwhelmed?




Mikey
I'm not underwhelmed.
I'm just simply not interested.



Sara
Because it's not Robin?



Mikey
Yes.
If it's not her, I don't care.

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon