Chapter 1

579 16 1
                                    

HEAVEN'S POV

"Heaven, lumabas ka na riyan at kakain na." Rinig kong sigaw ni mama mula sa labas.

"Opo mama! Sinusuklay ko lang po ang buhok ko!" Sagot ko habang inaayos ang pagkakalugay ng buhok ko. Ilang minuto pa akong tumitig sa salamain hanggang sa nagsawa na ako at bumaba.
Habang papalapit sa dinning area ay nakita ko si papa na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape at si mama naman ay nilalagay sa mesa ang mga niluto niyang breakfast.

"Good morning po, papa." Bati ko sa kanya ng nakalapit ako sa mesa, tumango lang siya habang si mama naman ay ngumiti lang kaya umupo na rin ako at nagsimulang kumain.

"Anong oras ang klase mo, anak?" Tanong ni mama bago magsimulang kumain at si papa naman ay ganoon pa rin, mukhang focus talaga sa binabasa.

"8:30 po" Magalang kong sagot kaya tumango ito, tinignan ko ang oras sa aming dingding at nakitang 7:45 na pala mayroon na lamang akong mahigit 30 minutes at medyo malayo pa naman ang school mula rito.

"Dito ka ba uuwi o sa condo mo? Para naman malaman ko kung so-sobrahan ko ba ang ia-ahin mamayang gabi or hindi na." Si mama ulit ang nagtanong at tama kayo may condo ako, regalo ni papa sa akin noong 18th birthday ko, si mama naman ay niregaluhan ako ng sasakyan.

Hindi naman ako ganoon ka-spoiled brat dahil hindi lahat nakukuha ko, hindi ako sinanay ng parents ko sa ganoon at thankful naman ako dahil hindi ako lumaking puro luho, sapagkat bawat may hihingiin ako or hihilingin ay kailangan kong paghirapan para malaman ko na hindi lahat ay nakukuha ng madalian, iyon ang payo ni papa.

"Sa condo na lang po, mama. Mas malapit po kasi iyon sa university na pinapasukan ko. Okay lang naman po sa iyo papa, hindi ba?" baling ko sa aking amang naka-focus pa rin sa dyaryo ang mata pero alam kong kanina pa siya nakikinig.

"Oo naman, as long as wala kang iu-uwing lalake roon." Sabay higop sa kape niya at kumagat sa sandwich na gawa ni mama.

Paborito kasi niya ang gawang sandwich ni mama dahil masarap daw ito at may kasamang pagmamahal. Ang corny ng tatay ko.

"Pa! Wala po akong planong mag- boyfriend, ang priority ko po ay makapagtapos ng pag-aaral" Napanguso na lang ako dahil tumawa lang siya at si mama naman ay nagpipigil ng tawa. Iyong totoo, magulang ko ba talaga sila?

"Baka naman kasi girlfriend ang hanap nitong anak natin, darling." Dahil sa sinabi ni mama ay mas lumakas ang tawa ng aking ama kaya mas lalo akong napanguso. Grabe, hindi ko ata sila pamilya.

"Ma, straight po ako at hinding-hindi po ako mahuhulog sa babae." Seryosong pahayag ko.

"Hindi ka sure, pumpkin." Natatawang tugon ni papa kaya tumawa na rin si mama at hinampas pa sa braso si papa. Tawang-tawa ah? Parang hindi nanay.

As you can see, hindi issue sa magulang ko kung sino o ano ang kasarian ng magiging partner basta raw ay alagaan lang ako o mas higit pa sa pag-aalaga nila sa akin.

Ang sweet nilang parents, diba? Sana parents niyo rin.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo dahil tapos na akong kumain at 8:05 am na rin, ayokong mahuli sa unang araw ng klase namin. Ang goal ko ngayong semester ay hindi ma-late.

"Ma, pa. Alis na po ako dahil ayoko pong mahuli sa klase." Tumango naman ang mga magulang ko sa akin kaya nagsimula na akong maglakad papuntang garahe upang sumakay sa kotse ko pero hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita ang aking nanay.

"Wala bang nakakalimutan ang aming anak?" Nagtaka naman ako sa tanong ni mama dahil sa pagkaka-alam ko ay wala akong nakalimutan dahil advance kung ilagay ko ang mga gamit ko sa aking bag at nasa bulsa ko rin naman ang cellphone at susi ng kotse ko, nakumpirma ko iyon matapos ko kapain ang bulsa ng suot kong pants. Nalilito man ay lumingon pa rin ako kay mama na naka-kunot noo na at si papa naman ay tinititigan ako na parang may isang bagay akong nakalimutan na hindi dapat.

HEAVEN LEIGH TURNEROnde as histórias ganham vida. Descobre agora