Chapter 19

249 8 2
                                    

HEAVEN'S POV

Late ko natapos iyong pinaayos sa akin ni ma'am Hernandez na mga nagkalat na papel sa office niya dahil hindi niya ako tinulungan at hindi rin siya umalis para raw siguradong hindi ako magtatawag ng kasama, pinagbawalan din niya akong mag cellphone para walang distraction. Naka-upo lang siya sa bangko niya habang may ini-encode sa laptop niya, minsan naman kapag tumitingin ako sa gawi niya ay nakikita ko itong busy sa pagbabasa ng papers at bagay sa kanya ang suot nitong reading glass nakakadagdag sa ganda niya tapos nakasuot pa itong ng white long polo na bukas ang dalawang botones at isang fitted high waisted black jeans, it shows her curve ang sexy.

Bandang alas otso na ng gabi ng maisipan akong tulungan ni ma'am Hernandez kung kailan patapos na ako pero hindi na lang ako nagsalita, siya na rin ang naghatid sa akin matapos naming mag dinner.

Kinabukasan ay hindi ako pinansin ni Selene kahit ini-explain ko na sa kanila kung anong dahilan bakit hindi ko sila na inform na late ako makakauwi, nagtatampo ito dahil naghintay sila sa condo ko tapos hindi ko rin naman sila sisiputin. Paano nga ako makakatawag o text kung konting galaw ko lang na hindi related sa utos ni ma'am ay pinagbabantaan ako nito na kung hindi ang leeg ko ang babaliin niya ay ang mga daliri ko. Ayoko naman mangyari iyon kasi siya rin kawawa sa future, mawawalan siya ng kaligayahan.

Si Laticia naman ay nauunawaan ako at siya lang ang nakipagkita sa akin noong Saturday and Sunday akala mo naman kami ang magpa-practice, grabe naman kung magtampo si Selene, good for one week. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa araw ng contest.

Ngayon nga ay Monday at susubukan ko siyang suyuin mamaya, we still have today and tomorrow pa naman.

"Bilisan mo, Leigh. Ayoko maiwan ng school bus. Bakit kasi hindi ka nagising ng maaga eh!" Ang aga pa pero bunganga na ni Imani naririnig ko. Sinisi pa ako, siya nga itong kanina ko pa ginigising tapos laging nanghihingi ng 5 minutes hanggang sa 7 am na. Tapos ngayon kasalanan ko pa kung bakit kami late.

"Kung kanina ka pa sana kasi bumangon, edi nakaalis tayo ng maaga! 5 am pa lang Imani ginising na kita pero talagang tulog mantika ka." Ganting sigaw ko rito. Naiinis din ako hindi lang siya dahil wala pa kaming napipili na kanta ni Selene, tapos wala pang practice, tapos wala pang good morning galing kay ma'am!

Tatawagan ko na lang si Laticia, sa kanya lang ata ako visible.

Inilapag ko sa gilid ko ang phone ko habang naka-dial ang phone number ni Laticia, tinatali ko pa kasi ang buhok ko, sakto pagkatapos ko mag ponytail ay sumagot na ito.

"Nasaan ka? Kanina pa kami naghihintay ni Selene sa'yo dito, 20 minutes na lang ay aalis na."

Wala man lang "Hello Heaven, good morning."

"If she does not appear between that time, I will not speak to her until the events are over. Tell her... " Bumulong pa narinig ko naman.

"Na---"

"Oo, narinig ko. Sabihin mo sa kanya pag ako nagtampo kahit iyong pinsan pa niya ang iharap niya sa akin. Hindi ko siya papansinin." Putol ko kay Laticia.

"Why aren't you two on the bus? We're about to go." Isang katahimikan ang namayani sa kabilang linya kahit ako ay parang nakalimutan ko huminga.

"Ano nga iyong sabi mo, Heaven?" Mapang-asar na tanong ni Selene, alam kong naka-loud speaker kaya hindi ko ipapahamak ang sarili ko.

"Sabi ko mag-iingat kayo sa biyahe." Malambing na sabi ko rito. Wala akong narinig na sagot kaya akala ko ay binaba na nila pero ng tignan ko ang phone ko ay on-going pa rin ang tawag.

"Where are you? Why aren't you here yet?" Masungit na tanong ng crush ko. Dapat ako ang nagsusungit kasi hindi siya nag reply.

"Hindi na po kami sasama ni Imani, late na rin po kasi kami." Malungkot na sabi ko habang palabas ng unit ko dala-dala ang gamit ko, si Imani ang magsara dahil nasa loob pa ito.

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon