Chapter 4

191 12 0
                                    

HEAVEN'S POV

It's Saturday, and I am here at my condo, eating and watching my favorite cartoon, Doraemon.

9:00 pa naman ng umaga kaya mamaya na lang siguro ako maliligo at magluluto dahil ako lang naman mag-isa, habang busy ako sa panonood ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito para i-check.

MAMA

Pupunta ang pinsan mo rito, anak.
Gusto ka raw makita. Hindi ka ba
uuwi?
9:01

Papuntahin niyo na lang
po rito sa condo ko. Hindi po ako
uuwi diyan ngayon dahil may
tinatapos pa po akong school works
Sent 9:01


Sige, anak sasabihin ko,
mag-iingat ka riyan.
9:05

Pumunta ako ng kitchen upang i-check kung ano ang puwede kong lutuin para sa aming dalawa.

"Oh, wala na pala akong stock" Puro noodles, chocolates, chips, at drinks na lang ang laman ng pantry ko. Kailangan ko pang mag grocery, tinext ko na lang si mama na mamayang tanghali na lang niya papuntahin si Imani sa condo dahil mag g-grocery pa ako.

Mabilis akong naligo at nagbihis para hindi ako matagalan sa pamimili. Bigla ko naman naalala na wala pala akong listahan ng mga bibilhin ko kaya umupo muna ako sa sofa at inilabas ang cellphone ko para ilista ang mga bibilhin ko, pagkatapos ko ay lumabas na ako ng condo at bumaba sa parking area para sumakay sa sasakyan ko papuntang grocery store.

Halos 30 minutes din ang byahe papunta sa malapit sa grocery store. Nang papasok na ako ay tumunog ang phone ko kaya tumigil muna ako at tinignan ang text baka kasi si mama.

MY MOON

ARE YOU ASKING ME TO DO THE GROCERY FOR YOU?!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARE YOU ASKING ME TO DO THE
GROCERY FOR YOU?!

HAHAHAHA na send pala.
I forgot to write it kaya
tinayp ko na lang, don't mind it.

Hindi ko na hinintay ang reply nito at pinasok ko na sa bulsa ng hoodie ko ang phone ko ng may magsalita mula sa likod ko.

"Can you at least move aside? You are blocking the way." Sabi ng malamig na boses kaya nilingon ko ito at nagulat naman ako ng makilala ko kung sino ito. Tinignan ko ang suot nito, parehas kaming naka-hoodie, black nga lang ang suot ko at siya naman ay white na may print ng pusa, pinaresan niya ito ng light pink summer short at slippers. Mukha siyang bata, I mean bata pa naman tignan si ma'am pero ngayon ay para ko lang itong kaklase.

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon