Chapter 17

196 8 4
                                    

HEAVEN'S POV

It's been days since the party ended, yet Ma'am Hernandez continues to ignore me. Sabi niya kalimutan namin iyong nangyari pero iniiwasan naman ako, kapag pinupuntahan ko siya sa office niya ay lagi itong wala.

Paano ko nalalaman na wala siya? Si ma'am Stella ang nagsasabi dahil tuwing kumakatok ako ay laging nasasaktong lumalabas ito ng kanyang office at minsan siya na rin ang nakakasama kong mag lunch kapag pumupunta akong may dala-dalang pagkain. Hindi na rin ako makatulog ng maayos kakaisip kung anong dapat gawin.

"Tignan mo, Selene. Mukha na namang nalugi ang kaibigan natin." Malakas na bulong ni Laticia kay Selene at umupo sa kaharap kong upuan. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria, bumili sila ng pagkain habang ako ay nakatunganga lang dito at walang ganang kumain.

"True, ganyan talaga nagagawa ng pag-ibig." Inikutan ko lang ito ng mata. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila na hindi ako in love, gusto ko lang siya, crush ganoon.

Crush lang daw pero umiyak noong iniwan matapos halikan. Tudyo ng utak ko.

Sino ba naman ang hindi iiyak, iwan ka ba naman ng taong kumuha sa first kiss mo tapos sabihing "It was a mistake".

"Ang pag ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw, mawiwindang, maiiyak, masasaktan~" Kanta ni Selene na ikinatawa naman ni Laticia. Tignan mo itong dalawang 'to, noong una hindi sila okay pero ngayon akala mo sila talaga mag best friend at ako iyong binubully nila.

"Kumain na lang kayo hindi iyong ako ang ginugulo ninyo." Isinubsob ko ang mukha ko sa braso ko at pumikit.

"Kumain ka, Ven. Binilhan ka namin ng pagkain oh, wala ka rin breakfast kanina." Nag-aalalang sabi ni Selene pero umiling lang ako habang nakasubsob pa rin sa braso ko.

"Tutulungan ka namin sa crush mo basta kumain ka." Mabilis na inangat ko ang ulo ko nang sabihin ni Laticia iyon, hindi marunong magbiro ang isang ito kaya alam kong nagsasabi ito ng totoo. Tumingin naman sa kanya si Selene na parang nagtatanong kung paano.

"May naisip na ako. Hindi ikaw ang lalapit sa crush mo this time, ikaw ang lalapitan niya." Sigurado nitong sabi at ngumiti pa ng malapad.

"Imposible naman ata iyan, Laticia. Niloloko mo lang ata ako eh."

"I kept my word, Heaven." Seryoso na itong tumingin sa akin kaya kinuha ko na mula kay Selene ang pagkain na binili nila at sinimulang kainin.

Habang busy ako sa pagkain ay nagbubulungan silang dalawa at nakita ko kung paano umiling ng mabilis si Selene matapos bumulong ni Laticia.

"Hindi ba tayo mapapahamak diyan?" Alanganing tanong ni Selene. Nakikinig lang ako sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila.

"Hindi, basta hindi malalaman ni ma'am Hernandez na planado iyon at tayo ang gumawa." Sagot naman ni Laticia. Napataas ang kilay ko ng marinig kong dawit si ma'am, alam ni Laticia na crush ko si ma'am dahil sa kadaldalan ni Selene. Since kaibigan na raw namin ito dapat ay walang sekreto sa bawat isa.

"Hoy! Kung ano man iyang iniisip niyo. Itigil niyo na iyan." Sabay subo ko sa pagkain.

"Ito na lang naiisip kong paraan para makita mo siya. Hindi ba sabi mo ay iniiwasan ka niya?" Tumango naman ako.

"Wag kang mag-alala. Wala naman kaming gagawing masama sa kanya, sa'yo lang." Napatigil ako sa pag-inom dahil sa sinabi ni Laticia.

"Anong sa akin mayroon? Ginagago niyo ba ako, may balak ba kayong ipabugbog ako?"

"Syempre wala!" Sabay na sagot nila. Inayos ni Laticia ang salamin niya habang si Selene naman ay nakikinig lang sa plano raw ni Laticia. Mukhang ini-imagine na nito ang gustong mangyari ng isa.

HEAVEN LEIGH TURNERWhere stories live. Discover now