Chapter 23

203 6 0
                                    

HEAVEN'S POV

Masayang tinatahak ko ngayon ang daan papunta sa school bus at hindi mawala ang ngiti ko, feeling ko mapupunit na ang labi ko.

"Heaven, kinakabahan na ako sa'yo. Nabagok ba iyang ulo mo noong hinila ka palayo sa amin ni ma'am Hernandez?" Tanong ni Laticia pero hindi ko siya sinagot at niyakap na lang.

Masaya lang ako, masama ba iyon?

"Ano ba! Ang bigat mo, alis ka nga. Selene! Nababaliw na ang best friend mo." Reklamo niya ng daganan ko ito.

"Ewan ko ba riyan, ayaw naman magkuwento. Bigla na lang papasok sa room natin na ngiting-ngiti."

Sasagutin ko sana si Selene ng makita ko si ma'am Stella na papasok sa bus kaya tumakbo ako rito ng bitbit ang gamit ko kasi hindi ko na naman mahanap ang magaling kung pinsan na taga-dala ng gamit mukang pumunta na sa ibang bus.

"Ma'am Stella." Tawag pansin ko rito na ikinatigil niya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Ma'am, gusto ko lang po sana humingi ng paumanhin dahil sa nangyari kanina."

"It's okay, I just didn't expect her to slap me that hard." Sabi nito at tumawa, napangiwi ako ng makita kong namumula pa hanggang ngayon ang pisngi niya. Grabe pala ang bigat ng kamay ni ma'am, magang-maga ang pisngi ng pinsan niya.

"Masakit po ba iyong sampal ma'am?" Curious na tanong ko kaya natawa ito.

"Make her furious so you can understand how I felt at that time." Mabilis naman akong umiling. Tunog pa lang nung sampal ay alam kong masakit na.

"Pasensya na po talaga ma'am, hindi ko naman po alam na sasampalin po kayo." Hingi ko ulit ng pasensya rito, tinapik lang nito ang balikat ko bago maunang pumasok sa bus kaya hintay ko na lang ang mga kaibigan ko para sumabay pumasok.

"Kung plano mong tumabi sa amin, wag na. Ayokong masampal ni ma'am." Sabi ni Laticia ng makalapit sa akin.

"Ayaw niyo na ba akong katabi? Wala akong mauupuan."

"Doon ka sa tabi ng mahal mo, ayoko kong magkaroon ng blush on." Matapos nitong sabihin iyon ay hinila niya si Selene na tumatawa lang habang ako ay napasimangot na umupo sa dati naming upuan ni ma'am.

Hindi naman ako malungkot dahil siya ang katabi ko, wala lang talaga kaming naging usapan matapos ako nitong halikan. Alam niyo bakit? Tinulak ako nito palabas ng kuwarto niya matapos niyang umamin at halikan ako.

Habang hinihintay siya ay isinaksak ko sa tainga ko ang airpods ko at pumikit, gusto ko munang mag relax at isip si ma'am.

"You look ridiculous smiling with your eyes closed." Idinilat ko ang mata ko, only to find Ma'am Hernandez already seated next to me. Ang bilis naman niya hindi ko man lang naramdaman na dumaan siya.

"Hi, ma'am." Iyon lang ang tanging nabigkas ko dahil nahihiya ako.

Ako pa ngayon ang nahihiya ah?

"Why are you looking at me as if you want to say something but chose not to?" Ang taray talaga nito. Kung makaakto akala mo walang ginawa.

"Kailan niyo po ako liligawan?" Out of the blue moon kong tanong na ikinakunot ng noo niya.

"I'm sorry, what?"

Ay bingi.

"Sabi ko po kailan niyo po—" Naitikom ko ang bibig ko ng sumenyas ito na isara ko ang bibig ko.

"You said you wanted me to court you?"

"Opo, ikaw ang unang umamin sa ating dalawa kaya ikaw po ang manliligaw."

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon