Chapter 3

206 12 0
                                    

HEAVEN'S POV

It's been weeks since the incident happened inside Ma'am Hernandez's office. Hindi ko alam paano ko siya haharapin o titignan ng hindi naiilang mabuti na lang at hindi na niya ako pinatawag ulit pagkatapos noon dahil na rin siguro sa nangyari.

Tulad ngayon, I am trying to focus my attention on her explanation, but I end up staring at her. She's wearing a brown spaghetti strap covered by a brown coat while her long hair is in a lazy messy bun. I won't deny the fact that she's hot and looks more strict while explaining her lesson.

"Mind telling us what you are daydreaming, Miss Turner?" Napabalik naman ako sa ulirat ko nang kalabitin ako ng katabi ko kaya masama ko siyang tinignan.

"Gaga ka, tinatanong ka ni ma'am" bulong nito sa akin kaya napatingin ako sa propesora na ngayon ay masamang nakatingin sa akin. Anong ginawa ko at anong tanong ba?

"Y-yes po ma'am?" Hindi ko siguradong tanong kaya mas lalong sumama ang itsura niya dahil sa naging sagot ko.

"I said, why are you spacing out while I am teaching here in front? Do you find my subject boring?" Parang walang gana nitong tanong sa akin.

"No, ma'am, I am listening po." Kasalanan mo naman kasi bakit ako nagi-space out pero syempre hindi ko iyon sasabihin dahil baka bigla na lang niya ako palayasin sa klase niya.

"If you are listening then stand up and answer my question." Ay hala, paano kung hindi ko masagot ang tanong niya at palayasin niya ako? Tumayo naman ako at hinihintay ang tanong nito.

"How will we know that our teaching strategies are effective?" Nakataas kilay niyang tanong.

"By giving an assessment?" Hindi ko siguradong sagot.

"What kind of assessment should you give as a teacher?"

"Summative assessment po ma'am."

"When will you give that kind of assessment?" Ay hindi pa ba tapos?

"It could be at the end of the class, semester, or school year." I saw how the other side of her lip was up, indicating that she's satisfied with my answer.

I thought she would let me sit because I already answered her question, but no, she asks me again. "What are the four components of summative assessment?" Wala ba siyang balak paupuin ako?

"The four components of summative assessment are observation, written records, portfolios, and family information." She was about to ask me again pero tumunog na ang bell. Yes! Save by the bell.

She looked at me with a wicked smile and said, "That's all for today, study the remaining assessment in education. Who knows, I might ask again at our next meeting." Bakit parang masama ang pakiramdam ko sa ngiting pinupukol niya sa akin?

"Ven, are you okay? You look pale." Naputol ang titigan portion namin ni ma'am dahil sa tanong ng katabi ko. "Ha?" Iyon lang ang tanging nasabi ko.

"I said, are you okay?" Pag-uulit niya kaya tumango naman ako at ngumiti to assure her. "Gutom lang ako. Kain muna tayo? May 30 minutes vaccant pa naman tayo eh" I said while putting my notebook back inside my bag.

"Mamaya na lang lunch time, dalhin mo ako ulit doon sa kay manong na nagtitinda ng kwek-kwek. Namimiss ko na iyon eh." Sabay hila sa damit na suot ko. Simula ng dinala ko siya sa may nagtitinda ng turo-turo ay lagi na ito roon nagyayaya mabuti na lang at hindi sumasakit ang tiyan niya.

"Pakainin mo naman ako ngayon, Selene. Alam mo bang nagamit ko iyong tatlong braincells ko na tinago ko for the remaining class today kaso nagamit ko kakatanong ni ma'am kaya kailangan ko silang ibalik, sila na lang mayroon ako." Madrama kong pahayag sa kanya.

HEAVEN LEIGH TURNERWhere stories live. Discover now