Chapter 26

231 11 1
                                    

HEAVEN'S POV

Habang kumakain kami ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi.

"Is the meal here so delicious that you're smiling all by yourself?" Tanong ni Sila na agad ko namang ikinatango. Hindi ito iyong order sa akin noon ni Selene pero masarap ang isang ito.

"Did the waitress help lift your mood?" she asked, arching her brow.

Tumango naman ako na agad ko rin pinagsisihan ng ma-realize ko ang tanong niya kaya mabilis kong itinaas ang tingin ko sa kanya habang nasa ere ang kamay kong may hawak na kutsara. Nakita ko kung paano humigpit ang paghawak nito sa kubyertos habang masamang nakatingin sa akin.

"Don't you dare open your mouth to explain." Madiin nitong sabi dahilan para mapalunok ako.

Hindi ko narinig ng maayos iyong tanong niya, akala ko ay tinatanong niya kung napagaan ba niya ang loob ko kaya tumango ako agad. Hindi ko naman alam na isisingit niya ang waitress sa usapan namin.

Mas lalong humigpit ang hawak niya kubyertos nang lumapit sa akin ang waitress dala-dala ang dessert na hindi ko maalalang kasama sa order namin.

"This is a free dessert ma'am, binibigay po namin ito sa mga taong nag re-reserve." Sabi nito na may malapad na ngiti at nilapag sa harap ko not minding the death glare of the woman in my front.

Bilib na ako sa tapang ng babaeng ito at hindi natitinag sa titig ni ma'am Hernandez.

"Ah eh, salama—ahh shit!" Gulat na reaksyon ko ng maramdaman kong gumapang ang isang paa ng taong nasa harap ko sa legs ko, dahil silk ang suot kong dress ay madali lang para sa kanya paglandasin sa binti ko ang paa nito.

Ramdam na ramdam ko ang mga daliri ng paa niya kaya makahulugan ko itong tinignan para patigilin siya pero umakto itong parang walang ginawa.

Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko dahil sa kiliting hatid ng malanding haplos ng paa nitong pinipilit abutin ang hindi dapat.

"Okay ka lang ba ma'am?" Nag-aalalang tanong ng waitress.

"Yes, okay lang hmm." Hindi ko maiwasang kagatin ang ibabang labi ko para pigilan ang tunog na lumalabas sa bibig ko.

"Pinagpapawisan ka po, ma'am. Kukuha po ako ng tissue." Sabi ng waitress pero hindi pa ito nakaka-alis ay nagsalita na ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"No need, I have a handkerchief; stop flirting with her or I'll call your manager to report you," she responded in a stern voice that caused the waitress stiffen and walk out while lowering her head.

"Hindi niyo po dapat pinahiya iyong tao." Sabi ko kaya masama itong tumingin sa akin, pansin ko ring tapos na ito kumain at tanging ang wine na lang nito ang pinupukulan ng atensyon.

"Why? Are you enjoying her presence more than mine?" 

"Hindi naman po sa ganoon at puwede po bang tanggalin niyo na ang paa niyo sa binti ko?" Tanong ko, umiling lang ito kaya pilit na iniiwas ko sa paa nito ang legs ko.

Ilang beses ko pang sinubukang tanggalin pero dinidiin lang niya ang paa niya kaya naiiling na sumuko na lang ako at kumain na lang, not minding her feet on my legs.

Hindi ko alam na may ganitong side pala si ma'am Hernandez.

Nang matapos kumain ay tahimik lang kami habang tinatanaw ang labas ng restaurant kahit na sa ganitong sitwasyon ay hindi ko maramdamang na boring ang atmosphere because having her near me is enough to make my heartbeat fast.

"Nabusog ka rin ba?" Basag ko sa katahimikan.

"Yes, I'm so full." Sabay himas sa flat niyang tiyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEAVEN LEIGH TURNERWhere stories live. Discover now