Chapter 12

213 10 0
                                    

HEAVEN'S POV

I'm making kare-kare for Ma'am Hernandez; Selena says it's her favorite dish. I hope she has not eaten yet.

I was humming while cooking when I heard the door swing open and close. I suppose Imani is already home; I was waiting for her to come close me and ask what I was preparing, but minutes have passed with no sign of Imani. Nakakapagtaka naman dahil sanay akong lagi siyang dumederetso rito sa kusina para tanungin ako kung ano ang niluluto ko, pinatay ko ang stove ng matapos ako at nagpunas ng kamay.

Lumabas ako mula sa kusina para tignan kung may tao sa sala ng unit pero wala kaya bumalik ako sa kusina para mag prepare ng dinner for Imani, mamaya na ako kakain kapag naihatid ko na kay Ma'am Hernandez ang peace offering ko. Matapos kong ayusin ang mesa at mailagay ang kanin at ulam ay pumunta ako sa tapat ng kuwarto ni Imani.

"Imani, dinner is ready." Sabi ko matapos kumatok pero wala akong narinig na sagot kaya nilakasan ko ang katok. Ilang sigudo naman ang lumipas bago nito buksan ang pinto.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?" Bungad na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa'kin kaya nagsalita ako ulit.

"Halika na, lalamig na iyong pagkain." I said and walk towards the kitchen, kukunin ko iyong ibibigay ko kay ma'am. Naramdaman kong humawak si Imani sa braso ko kaya tumingin ako rito, may mga namumuong butil ng pawis sa noo niya at para itong namumutla kaya nag-aalala ko itong tinignan.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala kong tanong. Tumingin naman ito sa akin bago umayos ng tayo at naglakad papunta sa mesa kung saan nakahain ang pagkain.

"Okay na ako, nailabas ko na." Kinuha nito ang plato para magsalin ng kanin.

"Nailabas ang alin?" Naguguluhan kong tanong.

"Iyong sama ng loob ko, kanina pa kasi iyon habang nasa biyahe ako kaya noong dumating ako ay dumeretso ako sa c.r." Parang wala lang na sabi nito.

"You mean, you touch me using your..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng ma-realized kong hinawakan ako nito kanina kaya pala basa ang palad niya. Akala ko ay naghugas lang ito ng kamay.

"Naghugas naman ako ng kamay at nagsabon pa kaya wag kang mag-react na parang dinapuan kita ng sakit na nakamamatay." Sabi nito at sumubo.

"Ang sarap talaga ng luto mo, Leigh." Pagpupuri nito sa luto ko pero hindi ako nagsalita at tumingin sa kamay ko kung saan ako nito hinawakan. Mabilis na naglakad ako sa sink at nilinisan ang kamay ko gamit ang sabon.

"Ang arte mo talaga. Sabing malinis ang kamay ko eh."

"Ewan ko sa'yo, Imani. Diyan ka na nga!" Inis kong singhal sa kanya at mabilis na naglakad palabas ng kusina bitbit ang paper bag na pinaglagyan ko ng niluto ko.

"Hindi ka ba kakain? Uubusin ko ito at saan ka pupunta?" Narinig kong sigaw na tanong nito pero hindi ko na lang pinansin at lumabas na para pumunta sa elevator at mapuntahan na si ma'am baka kasi kumain na iyon, edi sayang ang effort ko.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng kanyang unit. Lagi na lang ako bumubuntong hininga kapag pumupunta ako sa kanya para bang lagi akong kinakabahan tuwing naiisip kong kakausapin ko siya. Ewan, feeling ko natatae ako kapag nakikita ko siya.

Ilang minuto pa akong naghintay bago marinig ang pag unlock ng pinto, tagal naman nito magbukas.

"Yes miss, may I help you?" Tanong ng lalake sa akin na siyang nagbukas ng pinto. Ito iyong lalaking nakita ko sa labas ng office ni ma'am, ginagawa nito rito?

"Aidan, who's that?" Rinig kong tanong ni ma'am hindi kalayuan sa puwesto ko.

"Mukhang na mali lang ng unit." Sagot nito sa tanong ni ma'am habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman ito ng kilay, maya-maya pa ay nakita kong sumilip si ma'am mula sa likod ng lalake, ang laki kasi ng katawan. Ang laking harang.

HEAVEN LEIGH TURNERWhere stories live. Discover now