Chapter 24

241 9 0
                                    

HEAVEN'S POV

It's been a month since Ma'am Hernandez and I spoke, and I haven't heard anything from her; even Selene don't know where she is.

Dinaan lang pala ako noon sa matatamis na salita, kainis! Okay pa naman noong 1 week laging may pa flowers and update tapos bigla na lang wala na lahat.

Habang wala ito ay si ma'am Stella ang pumapasok sa klase niya, feeling ko may alam siya kung nasaan si ma'am Sienna ayaw niya lang sabihin.

"Wala ka pa rin bang balita sa manliligaw mo?" Tanong ni Laticia habang kumakain ng paborito nitong isaw. Lumabas kami para bumili ng makakain at naisipan nilang street foods na lang dahil namiss daw nila ito.

"Wala eh."

"Baka ikakasal na or kinasal na kaya wala ng paramdam?" Masama kong tinignan si Selene dahil sa sinabi niya.

"Miss mo?"

"Miss ko." Nakanguso kong sagot kay Laticia.

"Oh, coke mismo para sa'yo." Sabay abot ng soft drinks.

Tumawa naman si Selene dahil sa ginawa ni Laticia at may paghampas pa ng mesa kaya inis na tinapunan ko ito ng tissue.

"Tandaan niyo, pag kayo na in love. Tatawanan ko rin kayo hanggang maiyak ako kakatawa."

"Me, falling in love? Never."

"I second demotion." Pagsang-ayon ni Laticia.

Umiling na lang ako at hindi na nagsalita pa. Kinuha ko rin ang cellphone ko mula sa bulsa ko pero wala man lang text mula sa kanya. Anong klaseng manliligaw iyan nang go-ghost.

"Seat in ka sa amin Cia, hindi naman seryoso ang ate sa pagtuturo sa amin eh. Halatang napipilitan lang siyang pumasok." Sabi ni Selene na sinang-ayunan ko.

Halata naman talagang ayaw ni ma'am Stella sa subject ni ma'am Hernandez hindi ko alam bakit kailangan siya pa ang mag sub.

"Baka naman may binabantayan?" Sabay tingin ng makahulugan sa akin ni Laticia.

"Bakit ako babantayan? Bata ba ako ha?"

"Baka inutusan ni ma'am na bantayan ka, alam mo na ang daming umaaligid."

"Walang umaaligid at lalong walang dapat bantayan." Sabi ko at tumayo na dahil malapit na mag 1:30 kanina pa kaming tumatambay dito.

"Binabakuran mo na ba sarili mo para sa kanya?" Tanong ni Laticia ng makalapit ito habang si Selene ay lumingkis sa braso ko.

"Paano babakuran kung na ghost ako, hanep iyan pagkatapos umamin at mangako mawawala."

"Baka busy lang sa trabaho?" Biglang singit ni Selene.

Actually naisip ko na rin na posibleng busy siya pero hindi man lang ba siya nagkaroon ng oras para hawakan ang cellphone niya?

"Selene, alam kong pinsan mo iyon pero hindi valid iyong hindi siya magpapaalam. Let's say sobrang busy niya kaya hindi nakapagpaalam pero noong 1 week naman ay may oras pa siya sa akin at puwede niya ako sabihan na mawawala siya or what."

"You have a point." Sabi nito at tumahimik na.

Pumasok kami sa room at kami pa lang ang tao kaya naupo ako malapit sa pinto at sumunod naman si Laticia habang si Selene ay naupo sa teachers desk at nag cellphone.

"Cia, Ven, gayahin niyo nga ito." Sabay pakita sa amin ng isang scene sa Euphoria.

Dahil wala pa naman ang mga kaklase namin at may time pa, pumayag na lang kami ni Laticia. Siya ang magiging Nate habang ako ang magiging Cassie pumwesto ako sa likod ng pinto habang nakaharap kay Laticia at si Selene naman ang mag re-record.

HEAVEN LEIGH TURNERWhere stories live. Discover now