Chapter 20

199 7 3
                                    

HEAVEN'S POV

"Leigh! Leigh! Gumising ka bilis!" Sigaw ng kung sino habang pilit na hinihila ang kumot.

"Hmm, antok pa ang tao eh!" Nayayamot kong sagot at hinigpitan ang yakap sa kumot para bumalik sa pagkakatulog.

"Gumising ka, gaga ka. Nasa likod mo si Hernandez oh, mahiya ka naman." Dahil sa narinig ko ay binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kumot na siyang dahilan ng pagkahulog ng taong humihila nito.

Pumipikit-pikit pa ako habang nililibot ang paningin ko sa loob ng kuwarto, hinahanap ang taong sinasabi niyang nasa likod ko pero wala akong nakikita na ma'am Hernandez kaya binalingan ko ang taong nasa paanan ko habang masama ko itong tinitignan.

"Wala ka talagang magandang dulot."

Tumayo naman ito at inayos ang damit na nalukot bago tumingin sa akin at ngumiti ng mapang-asar.

"Hindi ka si Cinderalla para halikan bago magising. Ikaw si Heaven Leigh na apelyido pa lang ng mahal niya ang nababanggit, nanginginig na." Sabay tawa nito na parang isang mabentang joke ang sinabi niya.

Hindi ko ito pinansin at inayos ang higaan ko matapos magtali ng buhok, dumeretso rin ako sa banyo para maghilamos.

"Wag mo masyadong titigan ang mukha mo riyan sa harap ng salamin, maghahapunan na kaya bilisan mo." Hindi makapaniwalang tumingin ako sa nakasarang pinto ng banyo na parang tumatagos ang tingin ko rito.

"Alam kong tinitignan mo ako, Leigh. Ramdam ko ang matalim mong titig."

Iba talaga pag kilala ka nang lubos ng isang tao parang wala kang maitatago. Lumabas ako ng banyo at parang bawat hakbang ko ay bumibigat kaya ng sumapat ang distansya ko sa kama ay ibinagsak ko ang katawan ko rito.

"Tinatamad akong lumabas."

"Wag kang ngumuso nagmumukha kang pato at bakit ka tinatamad lumabas? Wag mo irarason sa akin na hindi ka gutom." She said with a warning tone itinaas din nito ang kamao na parang sinasabing kapag iyon ang sinabi ko ay susuntukin ako nito.

"Ani, paano mo malalamang mahal mo na ang isang tao?" Tanong ko habang nasa noo ko ang kamay ko at nakatingala sa kisame. I know she knows I'm serious about my question since I call her Ani.

"Why, are you in love?" Seryoso rin nitong tanong.

"I don't know, Ani. Nalilito ako, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko." I said and sit in the edge of the bed.

"Baka kabag lang iyan?" I gaze at my cousin blankly, and she quickly covers her lips as she realizes what she has just uttered.

Alam ng diyos kung anong klaseng pagtitimpi ang ginagawa ko ngayon wag ko lang siya masaktan, akala ko ay makakausap ko siya ng seryoso kahit ngayon lang pero nagkamali ako.

"S-sorry h-hindi talaga iyon ang s-sabihin ko." Umiiling pa ito na parang natatakot.

Mabilis itong tumayo at tumakbo sa pintuan ng mapansin na tatayo ako, hindi pa rin ako nagsalita habang naglalakad papunta sa direksyon nito. Nakita ko kung paano siya lumunok at humigpit ang hawak niya sa doorknob at mabilis na pumikit, akala siguro niya ay sasaktan ko siya.

"Malala ka na talaga, umalis ka riyan kung ayaw mong saktan kita ng tuluyan." Tumingala naman ito sa akin since mas matangkad ako sa kanya ng kaunti.

"Hindi talaga iyon ang gusto kong sabihin hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Promise! Maniwala ka sa akin." Tinulak ko ito ng mahina para mabuksan ang pinto.

Liningon ko siya na kasalukuyang nasa gilid ng pinto. "Saan ang daan papuntang dining area?" Ngumuso ito sa kaliwa ko.

Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto ng kaharap naming kuwarto at ang mukha ni ma'am Sienna ang bumungad sa akin, automatic na gumuhit ang ngiti sa labi ko.

HEAVEN LEIGH TURNERWhere stories live. Discover now