Chapter 7

235 11 5
                                    

HEAVEN'S POV

"Good morning, Imani!" Masiglang bati ko sa pinsan kong naglalakad papalapit sa dining table habang nahihikab pa.

"Someone woke up on the right of the the bed ha? " Sabay upo nito at sumubo ng hotdog. Tinuloy ko na lang ang paghiwa ng mga rekados ng niluluto ko, nagluluto ako ng pang lunch namin ni ma'am dahil lagi na lang siya ang bumibili at nakakahiya na rin.

"Kumain ka na ba o kanina ka pa nagluluto?" Naramdaman ko naman itong lumapit sa akin at tinignan ang niluluto ko. "Wow, menudo! Kakainin ba natin iyan ngayon?" Mababakasan ng tuwa ang boses nito at akmang tutusok na siya para tikman ang niluluto ko ng pinalo ko ang kamay nito.

"Sandali kasi, malapit na iyan maluto at hindi natin kakainin ito. Babaunin ko iyan." Sabi ko at pumunta sa drawer ng kitchen kung saan ko nilalagay ang mga Tupperware.

"Pang lunch natin?" Parang bata nitong tanong kaya umiling ako. "Eh para kanino?" Nalilitong tanong niya sa akin pero hindi ko na lang siya sinagot at ngumiti lang. Nagtira naman ako ng para sa kanya, marami naman ang naluto ko kaya bibigyan ko na lang din si Selene.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at dumeretso sa banyo para maligo, matapos kong gawin ang morning rituals ko ay nagbihis na ako ng white oversized shirt na may tatak na "TEKKEN" na mayroong mukha ni Kazumi Mishima kasama ng tigre, pinaresan ko naman ito ng jeans at brown-white sneakers. Nakita ko rin na naka-suot ng casual attire ang pinsan ko. "Let's go?" Yaya sa akin nito na siyang tinanguan ko naman.

Hindi naman nagtagal ang biyahe kaya mabilis kaming nakarating sa school. Bago ako lumabas ng kotse ay kinuha ko muna sa compartment ang cellphone ko para i-text si Selene na sa classroom na lang kami magkita. Lumabas na rin si Imani at nagsimulang maglakad sa hallway, since same way lang naman ang daan at malayo-layo pa bago kami maghiwalay dahil nasa kabilang building ang professor lounge.

"Oh." Inabot ko sa kanya ang isang Tupperware na may lamang ulam dahil ang gaga kinain iyong dapat na baon niya, hindi ko alam bakit hindi siya tumataba eh ang lakas kumain. Tinignan naman niya ang inabot kong Tupperware sa kanya na may malapad na ngiti. "Mahal mo talaga ako, Leigh!" Sabay halik nito sa pisngi ko. Tumunog pa ito kaya nandidiri ko siyang tinignan.

"Stop displaying affection in public." Napalingon kami ni Imani sa nagsalita at automatic na napangiti ako ng makita ko ang dahilan ng aking magandang mood.

"Hi po, Ma'am Hernandez. Good morning po." Nakangiti kong bati rito pero mukhang bad mood ito dahil nilagpasan lang kami kaya napasunod ang tiningin ko sa papalayo niyang pigura. Napasimangot naman ako dahil hindi man lang ako nito binati pabalik.

"Someone is jelly." Another cold voice from my back said. Tinignan ko naman ito at nakita ko si Ma'am Stella na nakatayo at katabi si Selene na kumakaway sa akin. Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang propesora sa harap ko dahil agaw pansin talaga ang ganda niya, she's wearing a white long-sleeve polo and folded the sleeve up to her elbow, along with a black split mini skirt litaw ang kaputian nito.

"Stop that look, kid. I might steal you from my cousin." Hindi ko narinig ang sunod na sinabi niya after the word kid dahil naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko kaya pinaypay ko ang kamay kong walang hawak sa mukha ko.

"Namumula ka, Leigh. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng pinsan ko kaya tumango ako, nandito pa pala ito. Did I really check Ma'am Stella out like before? Goodness, Heaven! Maghunos dili ka, tandaan mo straight ka! Doon ka lang dapat sa isa kakalampag kung sakali man.

"Ven, iwasan mo iyang pagtingin ng obvious sa tao baka biglang hindi ka na makalingon." Makahulugang sabi ni Selene at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi. Kinuha ko naman iyong isa pang extra Tupperware at inabot kay Selene.
"I cook menudo, sinobrahan ko na para mabigyan kita." Nagpasalamat naman ito at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

HEAVEN LEIGH TURNERTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang