Chapter 8

201 11 4
                                    

HEAVEN'S POV

Pasalampak na naupo ako sa sofa pagkarating namin sa condo, habang nakapit ay nakaramdam ako ng pagod at gutom. Hindi pala ako nakapag-lunch at malapit na rin mag dinner.

"Ako na lang magluluto, Leigh. Mukhang pagod ka." Idinilat ko ang mata ko para makita ang nagsalita, hinubad nito ang kanyang blazer bago ipinatong sa sandalan ng sofa.

"Marunong ka bang magluto?" Tanong ko at pumikit ulit.

"Malalaman mo kapag natikman mo na." Narinig ko ang yapak nitong papalayo kaya hindi ko na lang pinansin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog ng may tumapik ng balikat ko kaya unti-unti kong dinilat ang mata ko. Nakita ko si Imani na nakaluhod sa harap ko habang may maliit na ngiti sa labi. "Gising na't tapos na ako magluto." Tumayo na ito para siguro bumalik sa dinning room.

Hindi pa pala ako nakakapagpalit, dumeretso ako sa kuwarto para magpalit ng damit pambahay.

"Anong niluto mo?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya habang iniipit ang buhok ko.

"Adobong atay ng manok, paborito mo ito, hindi ba?" Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya kaya tumango ako. Umupo na rin kami at nagsalin ng kanin at ulam sa kanya-kanya naming plato.

"Tungkol sa tanong ko kanina. Ano sasama ka ba?" Tumingin ako sa kanya pero busy siya sa pagsubo.

Saturday naman bukas at nakapag-review na rin ako hindi naman siguro masama na mag unwind. "Sige basta ikaw mag da-drive." Napa-yes naman ito.

Hindi na muling nagsalita ang kasama ko kaya tinuloy ko na lang ang pagkain, siya na rin ang nagligpit at nagprisinta na maghugas ng plato. Iba talaga nagagawa ng pag-inom sa kanya, nagiging masipag.

Dahil hindi naman ako naligo kanina at nagpalit lang ako ng damit dumeretso na lang ako sa banyo para gawin ang dapat gawin. It took me about half an hour to finish my bath. I head inside my closet to choose a dress to wear. I saw the black dress na binili ko last time sa mall kaya iyon na lang ang kinuha ko at napiling soutin, I also apply a neutral make-up. I checked myself in the mirror before heading out of my room at sakto na kakalabas lang din ni Imani sa katabing kuwarto.

"You're stunning as ever, Heaven Leigh!" my cousin said as she approached me.

"So you do, Imani." I answered, smiling shyly. I'm not used to getting compliments.

"Let's go? The night is still young." Chineck ko muna ang laman ng bag ko bago tumango sa kanya at naglakad na palabas ng unit.

"Siguraduhin mong naka-locked ang pinto, palalayasin kita pag may nawala." Sabi ko sa kanya habang dino-double check nito ang pagsara niya ng pinto.

"This unit is highly secured kaya wag kang oa." She rolled her eyes pero hindi ko na pinansin. "Kung kanino man ang condominium na ito, siguro ang yaman na niya." Sabay tingin sa mga pinto na nalalagpasan namin. Totoo ang sinabi nito dahil puro may kaya ang mga nakatira dito, halimbawa na lang ay ang mga anak ng businessman and politician wala ka rin makikitang dumi o taong pakalat-kalat sa paligid. Pumasok na kami sa elevator at pinindot ang "P".

"Wag kang magpapakalasing ha? Iiwan kita roon." Banta ko sa kanya, pag nalalasing pa naman ito ay hindi niya alam ang ginagawa niya.

"Tell that to yourself, Leigh. Ang baba pa naman ng alcohol tolerance mo." We heard the elevator ting kaya hinintay naming magbukas ang pinto para maglakad na papuntang kotse.

"Light drinks lang iinumin ko hindi mo ako katulad." Pumasok na ako ng kotse at hinintay na lang din siyang pumasok para makapag-drive na.

"Sana may guwapo tayong makita." She giggled and start the engine. Napapailing na lang ako.

HEAVEN LEIGH TURNEROn viuen les histories. Descobreix ara