Chapter 11

197 9 1
                                    

HEAVEN'S POV

True to her words, Imani purchased a refrigerator for herself. Nakita ko ito sa labas ng unit ko, namoblema pa nga kami paano ito ipasok mabuti na lang at may dumaan na dalawang janitor at pinapasok namin sa kanila and Imani handed them money as a gesture of gratitude for their help. Tinulungan ko rin siyang ipasok ang mga pinamili niya bago pumasok sa school.

"Sasabay ka ba ulit kay Ma'am Hernandez mamayang lunch?" Tanong ni Selene habang hinihintay namin si Ma'am. Ma'am Hernandez ang tawag niya kapag nasa school at ate naman kapag nasa labas na, ang cute lang dahil may boundaries sila pati na rin kay Ma'am Stella. Akala mo hindi magkakakilala kapag nandito sa school.

"Hindi na siguro, library muna ako dahil inaantok ako." Sabi ko rito at tumingin sa pinto baka kasi pumasok na si ma'am.

"Hindi ka ba magla-lunch? Ayaw mo na ba ako kasabay?" Malungkot na tanong nito kaya lumingon ako sa kanya. Andyan na naman ang mannerism niyang magpalobo ng pisngi pero bagay naman dahil ang cute-cute niya tignan.

Tinusok ko padiin ang pisngi niya gamit ang hintuturo ko para matigil na siya pero sinamaan lang ako nito ng tingin. Grabe, magkaka-dugo talaga sila nila Ma'am.

"Good morning, class." Ani ng malamig na tono at sino pa ba ang nagmamay-ari noon, edi si Elsa.

"Good morning, Ma'am Hernandez." Bati naming lahat. Umayos na rin ako ng upo at tumingin na sa harap para makinig.

Hindi ko maiwasang pasadahan ito ng tingin dahil sa suot nitong formal skirt suit, ang ganda.

"Wag mo masyadong titigan baka matunaw." Bulong sa akin ni Selene kaya siniko ko ito dahil saktong napatingin si ma'am sa amin. Nagkunwari na lang akong binubuklat ang notebook ko para iwasan ang tingin niya, nagpatuloy naman na ito sa pagtuturo. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko pakikisamahan si ma'am after what happened yesterday.

Ilang minuto pa itong nag-explain ng topic niya at as usual nagpa-quiz, akala ko ay tatawagin na naman niya ako para kolektahin ang mga papers namin pero iyong bida-bida kong kaklaseng lalake ang tinawag nito at sinabing ihatid sa office niya, tuwang-tuwa naman iyong asungot.

"Wag mo naman tignan ng ganyan si Justin baka biglang bumulagta." Selene jokily said. Sana nga bumulagta siya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagbusy-busyhan na lang hanggang dumating ang sunod naming guro.

Wala naman kami masyadong ginawa dahil kakatapos lang ng prelim at may paparating pang event ang department namin, chineck lang namin ang test paper at ibinalik sa may-ari then discuss ng kaunti about sa susunod na magiging lesson. Ini-explain din sa amin kung ano ang flow ng program at pili lang pala ang sasamang professor, bawat year level ay may limang professor na magbabantay.

Sinabihan din ako ni Selene na mag practice kami kapag may time about sa kantang kakantahin namin, akala ko nakalimutan na niyang sinabi ko iyon pero hindi. Pinalista agad niya ang pangalan namin and each contestants need to prepare two song hindi ko pa alam kung anong kanta ang kakantahin namin dahil wala naman talaga akong balak na sumali kaso nahuli nila akong tumingin or should I say tumitig kay Ma'am Hernandez. Sino ba kasi ang hindi matutulala sa ganda niya, I can still remember noong hinayaan niya akong tawagin siya sa pangalan na naisip ko. I can't still call her that name though, nahihiya ako at the same time ay natatakot na baka magalit siya. Ayoko naman isipin niya na gusto ko lang sumipsip para sa grade. I won't also forget her smile that time, first time ko iyon nakita at simula noon hindi ko na nasilayan pa ulit. Kung puwede ko lang siyang i-picture that time ginawa ko na tapos ginawa ko pang wallpaper ko para may inspirasyon araw-araw.

"Ven, baby, kanina tulala ka lang tapos ngayon ngumi-ngiti ka na, minsan naiisip ko na nababaliw ka na." Sabi ni Selene na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat ko. Nakatutula na pala ako?

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon