Chapter 47

3.4K 69 10
                                    


Pennie: Hello, mga mahal ko. Continue lang po ang update ko dito sa wattpad. Hindi ko lang siya isang bagsakan na ilalapag kaya pahintay na lang po sa update, ha? hindi ko rin naman po kayo pinasusunod sa mga paid platforms kung saan ito completed kasi ilalagay ko rin naman po dito sa wattpad. Maraming salamat! pwede ninyo pala akong i-add sa fb so we can all be friends hehe and kung may tanong rin kayo. Pennie ang name ko sa fb or pwede ninyo rin i-click ang link dito sa wattpad. If hindi ko po kayo naaccept agadpwede po ako ninyo i-message. Thank you so much and thank you for reading Three Month Agreement!


----------

"I don't think you understand how much I want your lips."

Kapit na kapit ang mga kamay ko sa aking bestida na suot. Kumakabog rin ang dibdib ko nang ang isang kamay naman ni Thauce na nasa pisngi ko ay lumipat sa aking batok at hinapit pa ako palapit.

Para akong nahipnotismo dahil hindi ko maialis ang tingin sa kaniya.

"Damn. I want to kiss you so hard."

"Thauce..." napasinghap ako nang ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga labi sa isa't-isa. Otomatikong nailapat ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib dahil sa ginawa niya.

"Don't look at me like that, Zehra Clarabelle. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

"P-Paanong tingin? walang ibang kahulugan ang tingin--"

Ang bilis ng desisyon niya!

Pinatahimik ako kaagad nang mariin niyang sinakop ang mga labi ko. Nalamukos ko ang kaniyang damit nang kumilos ang mga labi niya at mapusok akong halikan.

"Damn your lips, baby. It was addicting."

Muling niya akong siniil ng halik at sa pagkakataon na ito ay mas matagal kumpara sa kanina. Tinugon ko iyon at sinubukan siyang sabayan. Nakakalunod at nakakaliyo. Iniangat ako ni Thauce at mahigpit na niyakap habang patuloy kami sa halikan.

Parang ibang klase ang paraan niya ng panliligaw... m-masyadong mabilis.

"Can I still do this?" pagkaputol ng halik ay iyon ang naging tanong niya.

"A-ang alin?"

Ngumisi siya at pinisil muli ang mga labi ko na basa pa dahil sa pinaghalong laway namin na dalawa. Napalunok ako nang tumagal ang tingin niya doon.

"Kissing you?"

Naramdaman ko na nag-init ang aking buong mukha na umabot sa aking mga tainga.

Nagtanong pa siya! Kung kailan nakadalawang halik na!

"Or is it out of the rules?"

Tumikhim ako at inilayo ang aking tingin. Narinig ko ang mahinang mura niya at ang pagkilos pababa ng mga kamay na nakalapat sa aking likod.

Nang hindi ako sumagot ay mukhang ikinatuwa pa iyon ni Thauce.

"You are blushing."

Ang bilis ng paglingon ko sa kaniya. Napahawak ko sa aking magkabilang pisngi.

"H-Huwag mo akong ngisian diyan!" sita ko sa kaniya. Ngunit mas lumawak lang iyon!

"Okay, baby..."

Pagkatapos akong pakatitigan ay binitawan na niya ako. Tumalikod rin siya sa akin, nakamasid lang ako sa kaniya nang maglakad siya at kinuha ang tuwalya na ginagamit ko kanina. Pagkakuha non ay naupo siya sa may mahabang sofa at tinapik ang tabi niya.

"Come here."

Tumalima ako kaagad. Naupo ako sa kaniyang tabi at pinatalikod naman niya ako sa kaniya.

Three Month AgreementOnde as histórias ganham vida. Descobre agora