LAST CHAPTER

1.6K 47 34
                                    




The Cervellis.

"Merry Christmas!"

Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo.

"Merry Christmas, wife..."

"Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband.

Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa.

"Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib.

"Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon."

"Akala ko ay trabaho ang dahilan kung bakit ang tagal mo sa labas kanina."

Noon pala ay si Eleaz ang kausap niya! pero hindi naman sumagot si Thauce at ngumiti lang. Sinimulan na rin niyang hagurin ang buhok ko, at dahil doon ay hinila na rin ako ng antok.

Pagkagising ko kinabukasan ay muli ang mga halik niya sa aking mukha ang nagpadilat sa akin. Napangiti ako nang bigyan niya ako ng mariin na halik sa mga labi.

"Merry Christmas, wife..."

"Merry Christmas--hmm..." at hindi pa ako pinatapos dahil muli niyang sinakop ang mga labi ko. Tiinugon ko naman 'yon ng buong puso pero bumitaw rin kaagad si Thauce.

"Lianna and Seya are waiting for you outside. I need to go out with Eleaz,"

"Trabaho ulit?"

Ngumiti siya.

"Don't miss me too much."

Napanguso ako. Siguro kaya ganto siya ay dahil kahapon nang lumabas ako.

"Baka ikaw ang maka-miss sa akin," sagot ko.

Napatawa naman siya.

"I can't deny that..."

Nang tumingin ako sa oras sa cellphone ko ay nakita kong alas nuwebe na pala ng umaga. Naligo ako kasabay ni Thauce. Casual na damit lang ang suot niya. Pagkaalis ni Thauce at Eleaz ay nalibang naman ako sa pagkukwentuhan namin ni Lianna at Seya. Nanood rin kami ulit ng movie, naglakad-lakad rin kami sa labas at masasabi ko na napakalawak talaga hindi lang ng loob ng bahay pati ang labas.

"Kahit nang napunta na ako dito ate, manghang-mangha talaga ako."

"Me too. Ito ang unang beses na nakarating ako dito, and to tell you, nainis pa ako kay Eleaz nang hindi niya pala alam ang papunta dito! gosh!"

Oo nga pala, wala pa rin sila Thauce. Dumidilim na. Hindi rin siya nagpapadala pa ng mensahe sa akin.

"Masyado mo naman sinusungitan ang Kuya Eleaz, Ate Lianna."

"Eh, he should know the place, saka what's the purpose of his waze?"

"Pero, Ate Lianna, mukhang mabait naman si Kuya Eleaz kahit medyo nakakatakot rin siya tumingin."

"See, Zehra?! even Seya noticed that!" pagkasabi non sa akin ni Lianna ay kumapit siya sa braso ni Seya na parang nakahanap pa ng isang kakampi. Pero ang isip ko ay nakay Thauce pa rin na hindi tumatawag o nagmemensahe.

Three Month AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon