Chapter 131

1.3K 24 2
                                    


Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.

Ang ganda!

Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag.

"You like what you are seeing?"

Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?

Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!

"We didn't eat on the plane, are you hungry?"

Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin.

"Hindi naman ako nagugutom."

Nadiretso rin kasi ang tulog ko sa buong byahe namin. At talagang paggising ko ay nag-asikaso lang kaming dalawa. Nagpalit ng damit, nagpadala ako ng mensahe kay Seya at kinamusta ito. Wala talaga itong alam na darating kami ni Thauce.

"But that was almost 9 hours of flight. I know a restaurant that still open at this--"

"H-Huwag na, Thauce!" mabilis kong sagot. Nasasabik na rin kasi akong magkita kami ni Seya. Saka, ayoko ng ibang luto... alam niya naman 'yon. Ang palagi kong kinakain talaga ay ang mga pagkain na siya ang nagluto.

"Sa bahay mo na lang rin pagdating, ipagluto mo ako."

Sandali siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Alright, anything my wife wants."

At hindi na nga rin nagtagal nang marating namin ang bahay ni Thauce. Madilim-dilim pa pero napansin ko na may kataasan ang gate. Sumilip pa ako at nakita ko na puti ang bahay. huminto ang sasakyan bago kami tuluyang makapasok at may lumapit sa amin na guard.

"Welcome back, Mr. Cervelli. We are honored to have you return. Your presence has been greatly missed, are you going to stay here longer than before?"

Wow. May accent! pero naunawaan ko naman ang sinabi nito.

"Yes, with my wife," maikling sagot lang ni Thauce. Nang lumayo ang guard ay tumango ito at yumuko. Tuluyan nang pumasok ang sasakyan ni Thauce sa loob at ang nakita kong puti na bahay kanina ay akala ko pagkapasok namin ay nasa harapan ko na! non pala ay sa laki non kinailangan pang pumasok ng sasakyan ni Thauce!

At nakakatuwa kasi may mga christmas decoration! ang gaganda ng mga christmas light. Nabibigyan lalo ng liwanag ang buong lugar lalo ng mga ilaw sa mga puno at halaman.

"B-Bahay mo 'to?" Namamangha ako dahil palasyo naman na ata ito. Ang oa pero, yun ang nakikita ko ngayon.

"Ours, Zehra Clarabelle. Bahay natin," pagtatama niya sa akin nang huminto na ang kotse. Nang bumaba siya ay umikot pa para pagbuksan ako ng pinto.

"Let's go? Seya is still sleeping, she usually wake up at 7 am. Ariq told me."

Tumango ako at lumabas, pero hindi sa kaniya natuon ang atensyon ko kung hindi sa napakarangya na bahay.

"Thauce..." tawag ko nang maglakad na kami papasok. Hawak niya ang kamay ko. Napatingin rin ako sa nilalakaran namin at grass 'yon. Walang lupa sa paligid. Napakalinis, ang aliwalas.

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now