Chapter 125

1.1K 23 0
                                    


"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya.

Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna.

"Maaga na lang tayong magdinner."

"Alright, baby."

At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe.

"So, Errol confessed everything to you?"

Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando.

"Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko."

Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants.

"Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit.

Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya.

"Bakit? May nangyari ba kay Errol?"

"I heard from Eleazar that he was trying to talk to Lianna for the past week, and earlier, when you were both at the mall, that fcker Eleaz knows it. The bodyguards told him about Errol that's why he went to pick up Lianna early."

Namilog ang mga mata ko. Kaya ba may mga nagbabantay kay Lianna? At yung kanina... hindi nagkataon lang na nagkita kami. Nandoon siya dahil kay Lianna?

"I think ngayon lang na-appreciate ni Errol ang pagmamahal ni Lianna nang mawala na ito sa kaniya. But he knows that she is still in love with him, even though there's a baby involved, Lianna tried to fix their relationship."

Hala.

"P-Paano 'yon? Paano is Eleazar kung... k-kung magkaayos si Errol at Lianna?"

Ngumisi naman si Thauce at hinila na ang kamay ko para bumaba kami upang kumain.

"Of course, that ass will not let that happen, baby. We both know that he's crazily in love with Lianna."

Iyon nga. At hindi 'yon alam ni Lianna.

Hmm. Naku naman, kung ganon nga at totoo ay naaawa na ako kay Eleazar agad pero sana naman maisip ni Lianna na tama na ang pagmamahal kay Errol.

Bumaba na kami ni Thauce, naghanda na rin ako ng hapunan. Habang kumakain kami na dalawa ay ikinwento ko naman sa kaniya kanina ang pagbili namin ng mga damit ni Lianna.

At kahit nang matapos kami sa pagkain ay ligaya na ligaya ako sa pagkukwento habang siya naman ay nakikinig at naghuhugas ng mga kasangkapan. At nang maalala ko si Rita ay saktong natapos si Thauce. Binanggit ko rin ang tungkol doon.

"You met her?" kunot noong tanong niya. Tumango ako.

"Nagbebenta siya ng mga gamit niya. At..." nasundan 'yon ng pagbuntong hininga.

"Siniraan rin niya ako sa mga kausap niya, sinabi niya na gold digger ako nang tanungin siya ng dalawang babae na kasama niya tungkol sa asawa mo. Kasi, nakarating na nga sa iba na nag-asawa ka na at nacurious ata sila."

"So, Rita doesn't want to stop until they are not crawling on their knees."

"Pero, hindi naman ako nagpaapi. Hindi na ako nanahimik tulad ng dati."

Nakuha ko ang atensyon lalo ni Thauce, ngumiti siya at parang na-curious sa kung ano ang ginawa ko.

"And what did my wife do?" kinuha niya ang kamay ko at itinayo ako. Ngumiti naman ako sa kaniya. At nang ihawak niya sa kaniyang batok ang kanang kamay ko ay hinaplos naman niya ang aking mukha.

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now