Chapter 116

1.1K 26 3
                                    


Zehra Clarabelle Cervelli

"You're not afraid of cockroaches?"

Nagtataka akong napatingin kay Thauce, para bang tuwang-tuwa pa siya sa sinagot ko sa kaniya. Umiling ako at inilapat ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na humigpit ang pagsuporta sa baywang ko.

Medyo nalilis na ang dress na suot ko dahil sa pwesto ko sa kaniyang kandungan.

"Hindi, ah. Nung nakatira kami ni Seya sa ilalim ng tulay non, maraming iba't-ibang klase ng mga insekto. Hindi lang ipis."

Kumportable naman ako na sabihin ang nakaraan ko kay Thauce, wala naman na rin akong maitatago sa kaniya saka tingin ko ay alam naman niya kung ano ang nakaraan namin ni Seya. Wala na kaming mga magulang, mag-isa kong kasama si Seya. Hindi man detalye pero may ideya naman siguro si Thauce na hindi naging madali ang pinagdaanan namin sa buhay.

"Hmm... you really had a hard life before..."

Tumango ako. Ang mga daliri ko ay natagpuan ang colar ng polo niya at pinaglaruan 'yon. Nakatingin lang sa akin si Thauce, nang iangat niya pa ako ng kaunti ay pumulupot ang kamay niya sa baywang ko at kinuha naman niya ang isa.

"But thank you for not giving up in life, Zehra. I was thinking, if I declined that invitation to be one of the judges in your place, magkakaroon kaya ng tayong dalawa?"

Naalala ko naman 'yon. Ang sinalihan kong beauty pageant, pinilit pa ako non ng mga taga sa amin para lang may magrepresenta ng aming lugar. Pero kung hindi ako siguro namomroblema non sa pambayad sa thesis ni Seya ay hindi ako tutuloy.

Kaso... tadhana na rin talaga.

"Sabi nga nila Lea, nakatingin ka sa akin non! nagtagpo rin yung mga mata natin pero sa tingin ko naman nung mga oras na 'yon ay sinusuri mo lang ang bawat kandidata," sagot ko sa kaniya. Umiling naman siya.

"I was really looking at you, baby..." at nang isagot naman niya 'yon ay napataas ng sabay ang mga kilay ko. Napanguso pa ako na parang hindi naniniwala sa kaniya. Marami nga ang nakapansin non, pero ang sama kasi ng mga mata niya. Ang talim. Nakakatakot kung tumingin.

"Errol, too. Of course, you standout among the candidates. You are a divine beauty, Zehra Clarabelle and until now that you are my wife, hindi mo ba napapansin kung paano kita tingnan?"

"Even that simple girl... from five years ago caught my attention who made me step out of the car..."

Napaawang ang mga labi ko nang marinig ang mga sinabi ni Thauce. Hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kaniya.

"H-Hala... na-naaalala mo ako?" umangat ang palad niya at inilapat niya 'yon sa pisngi ko, ngumiti rin siya at kahit ang mga mata niya ay kumikislap na nakatingin sa akin.

Hindi ako makapaniwala! Yun yung gabi na natumba ako sakay ang bisikleta ko sa gilid ng kalsada dahil nagulat ako sa sasakyan nila. At sa pageant, nang mga oras na 'yon, natandaan ko nga silang dalawa ni Errol, at a-ang inaasahan ko si Errol ang makakakilala sa akin.

Napayuko ako sa dibdib ni Thauce at yumakap sa kaniya.

"Alam mo... n-naaalala mo ako..."

"Yes, and who would've thought that the girl whose eyes were madly looking at me is now my wife?"

Mas humigpit ang yakap ko kay Thauce habang nasa kandungan niya ako. Iyon kasi ang unang pagkikita namin. A-At inis na inis ako sa kaniya, sa pagiging arogante niya.

"You fought hard in life, Zehra, but now you have me. Hindi mo na kailangan kayanin ang lahat ng mag-isa. To give Seya a better life, to take care of her. We will both do that now. At ako na rin ang mag-aalaga sa 'yo, you have nothing to worry about or to fear because I will never leave your side."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko at sa emosyon na nararamdaman ko sa mga binitawan niyang salita ay hindi na nagtagal nang tumulo ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Napakapit ako sa suit ni Thauce at naramdaman ko naman ang paghagod ng palad niya sa likod ko at ang ilang beses na halik sa aking ulo.

"I will give everything that you want. We will do the things that will make you happy. Iisa-isahin natin tuparin ang mga pangarap mo."

"You want to go back to school, right?"

Natigilan naman ako sa narinig ko kay Thauce. Umangat ang tingin ko sa kaniya, siyang pagpalis naman niya ng mga luha sa mukha ko.

"Nabanggit sa akin ni Seya kung gaano mo rin kagusto mag-aral, that you were reading her books back then and secretly studying... she told me that it's also one of your dreams, pero ang patuloy mo lang na sinasabi sa kapatid mo ay pangarap mo na rin na mapagtapos siya."

Napahikbi ako. Naninikip ang dibdib ko. G-Ganoon ang salita ko dahil para sa akin, ang mahalaga ay mapagtapos ko si Seya. P-Pero totoo... gustong-gusto ko makapag-aral...

"You have to make dreams for yourself, wife. Iba ang pangarap mo sa kapatid mo, iba ang mga pansariling pangarap mo."

Ang bawat salita niya ay ang sarap sa pandinig mas lalo akong napaluha.

"A-Ang hirap-hirap kasi non, Thauce. Kaya masaya na akong makita si Seya na unti-unting natutupad yung pangarap ko rin na makapagtapos. Kahit siya okay na sa akin."

"But now, we will make your dreams come true. Together. So, tell me everything, hmm?"

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nang muli akong yumakap sa ay saka ako sunod-sunod na nagpasalamat. Ang higpit ng kapit ng mga kamay ko na ayoko nang bumitaw. Hindi ko sukat akalain na darating ang ganitong punto sa buhay ko, sa lahat ng mga pinagdaanan ko.

"Thank you so much, Thauce. T-Thank you..."

"Anything for my wife," sagot niya.

Humiwalay ako at ikinulong ang mukha niya sa mga palad ko. Pinatakan ko ng mabilis na halik ang mga labi niya.

"Pero kung mag-aaral ako, Thauce, s-sana yung may scholarship, ayoko naman na iasa sa 'yo ang pag-aaral ko... masyado na yun. O kung pwede, pagtatrabahuhan ko."

Kumunot naman ang noo niya. "You are my wife. Our papers are already registered, your surname now is Cervelli. My wealth is also yours. And I transferred some of my property in your name. You don't have to work to--"

Natakpan ko bigla ang bibig niya sa sunod-sunod niyang pagsasalita at sa gulat ko rin. Namimilog ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya.

"A-Ano? t-transferred? bakit mo ginawa 'yon?"

Ngayon ay nag-iisang linya na ang mga kilay ni Thauce. Siya na ang nagbaba ng kamay ko na nasa bibig niya at mahigpit na hinawakan 'yon.

"Hindi pa ba sapat na dahilan na asawa kita, Zehra Clarabelle?"

Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya. Seryoso at nangungumbinsi.

"Ang lahat ng pag-aari ko ay pag-aari mo rin."

Binasa ko ang mga labi ko at tinitigan naman siya.

"K-Kahit na asawa mo na ako, Thauce, iba pa rin yung sariling sikap ko..."

Napailing siya.

"This is what Ariq told me when Seya mentioned to him that you wouldn't agree. Mukhang mahirap ngang makuha ang approval mo."

Hindi naman ako nakakibo.

"Damn is this because you were so independent that you are not used to accepting help for free?"

Marahas siyang bumuntong hininga at inilayo ang tingin sa akin. Ngayon ay mukhang nagtatampo na siya dahil dumulas rin ang higpit ng hawak niya sa baywang ko.

"Thauce naman..."

"Even from me... your husband?"

Napangiti ako.

"Asawa mo ako, eh..."

Teka, bakit parang nangongonsensya na siya?


Three Month AgreementWhere stories live. Discover now