Chapter 130

1.1K 22 0
                                    


Zehra Clarabelle Cervelli

Tahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.

Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw.

"Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.

Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.

Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa ng museleo sa sementeryo. Ang imposible non. Kahit ngayon na dalawang araw na ang nakalipas ay nagiging emosyonal pa rin ako kapag naaalala. Napakaganda ng museleo na iyon, malinis, pati ang lapida ng nanay at tatay ay pakiramdam ko mahal rin ang pagkakagawa. Marami rin na mga halaman. Tanda ko na mahilig rin mag-alaga ng halaman ang nanay ko. Malabo sa alaala pero nasisiguro ko.

Tiyak na matutuwa si Seya, marami akong larawan na kuha at sa oras na magkita kami ay ipapakita ko lahat sa kaniya.

"Pero una sa lahat, tiyak na sobrang masusurpresa siya na makita ako."

Nakapagpaalam rin pala ako kay Lianna at Lea ngunit sa cellphone lang. Tumawag ako nang masiguro na ang araw ng flight namin ni Thauce. Tuwang-tuwa si Lea at si Lianna para sa akin, nang tumawag ako kay Lianna ay katabi niya non si Eleaz pero tahimik lang ang huli. Sinabi niya pa na dapat daw dalhin ko ang binili namin na damit para kay Seya at iyon naman ang ginawa ko.

Nang maalala ko ang kapatid ko ay binuksan ko naman ang handbag ko na nasa kandungan ko lang. Kukunin ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang biglang gumalaw ang plane.

Bakit... anong...

Ang higpit ng pagkapit ko at umahon kaagad ang takot sa dibdib ko. Nailapat ko rin ang kamay ko sa aking tiyan.

"T-Thauce..." luminga kaagad ako at tumingin sa paligid. Hindi ako makatayo kahit gusto ko pa dahil nang tumigil lang sandali ang pagyugyog ay muli na naman naulit!

A-Ano ba ang nangyayari? wala naman akong ganitong naramdaman nung unang sakay ko sa eroplano. May problema kaya?

Pero bago pa magtuloy-tuloy ang pagpapanic ko ay siyang pagdating na ni Thauce sa pwesto namin na dalawa.

"Are you okay, baby?"

Agad niya akong nilapitan nang siguro ay mapansin niya ang nag-aalala at may takot kong mukha. Naupo siya sa tabi ko pero ako ay ang bilis ng kapit sa braso niya.

"Gumalaw kasi... may problema ba--" at naulit na naman kaya hindi ko naituloy ang mga sinasabi ko at napakayap sa kaniya.

"T-Thauce, babagsak ata ang plane mo..." puno na talaga ng takot at mahihimigan na 'yon sa boses ko pero napatigil ako nang mahina siyang tumawa. Nagsalubong ang mga kilay ko at sa gitna ng nararamdaman ko ay pinalo ko siya sa braso sa inis.

"Natatawa ka pa!"

"I'm sorry, it's just the airplane experienced some turbulence. Hindi babagsak, wife. This is normal."

Nang marinig ko 'yon sa kaniya ay lumuwag ang pagkapit ko at lumayo ako ng bahagya. Nararamdaman ko ang mga kamay ko na nanginginig pa rin ng kaunti habang nakahawak sa kaniya at nang mapadako doon ang mga mata ni Thauce ay kinuha niya ang kanan at pinagsalikop sa kaniya.

Three Month AgreementOnde as histórias ganham vida. Descobre agora