Chapter 94

1K 23 2
                                    


Hindi ba sila okay? kung hindi ay ano ang dahilan para magkaganito ang kapatid ko? isa pa, napakalinaw ng pagkakarinig ko sa sinabi ni Seya na hindi ako makapaniwala na siya yung nagsalita.

At tinawag niya lang sa pangalan nito si Dr. Ariq! Ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa? ngayon mas nagiging malinaw sa akin na nagkaroon nga sila ng problema, at mukhang hindi lang ito sa dahilan na umuwi si Dok para sa kumpanya ni Thauce.

Mayroon pa at iyon ay sa pagitan nila ng kapatid ko.

"Seya," seryoso ko naman na tawag. Hindi pa rin siya nagsasalita at wala ang tingin sa akin. Ngayon ko lang siya ulit nakita na ganito.

"Tumingin ka sa akin, Seya."

Nakita ko ang pagkibot ng mga labi niya, hindi naman na nagtagal ay tumuon na ang mga mata niya sa akin. Naroon pa rin ang inis sa kaniyang mukha at hindi 'yon maipinta. Nang balingan ko si Dr. Ariq ay ngumiti ulit ako ng tipid sa kaniya.

"Pasensiya na Dok sa inaasal ng kapatid ko--"

"Ate! why are you saying sorry? kasalan niya 'yon!"

Bigla akong napalingon kay Thauce nang marinig ko ang pagtawa niya. Mahina lang naman 'yon. At nang makita niya na seryoso ako ay mabilis siyang tumigil at napatikhim. Inihilig niya pa ang ulo sa aking balikat at narinig ko ang, 'sorry, baby' niya.

"At ano ang kasalanan ni Dok para maging ganito ka, Seya?"

Naitikom niya ang bibig, hindi kaagad nagsalita at parang nagdadalawang isip pa siya sa isasagot sa akin. Pero ilang segundo rin ay saka siya nagpatuloy.

"B-Basta, hindi ko kasalanan, si Waxen 'yon."

Napasinghap ako sa sagot niya.

"Seya!" medyo tumaas ang boses ko dahil sa kawalan niya ng respeto. Talagang 'yon lang ang tawag niya kay Dr. Ariq?!

"Calm down, baby..." sabi naman ni Thauce sa tabi ko. Pero hindi, eh. W-Waxen... napapaano ba si Seya at nakakalimutan na niyang gumalang? isa pa, isa si Dr. Ariq sa nagmalasakit sa kaniya na pumunta pa ng Australia at iniwan ang trabaho para lamang maging private doctor niya.

Napahilot ako sa aking sintido. Kanina ay kabado pa ako sa pagsasabi sa kaniya ng totoo pero ngayon ay sumasakit ang ulo ko dahil sa inaasal ng kapatid ko.

"Seya, hindi na ako natutuwa sa inaasal mo. Nawawalan ka ng respeto sa mas matanda sa 'yo."

Nang sabihin ko 'yon ay nahuli ko na natigilan siya, ngayon ay para na siyang maiiyak.

"H-Hindi naman ganoon katanda sa akin si Waxen--"

"Para hindi mo galangin? hindi mo ba naa-appreciate ang ginagawa niya para sa 'yo? bumalik pa nga ulit para tingnan ang kalagayan mo."

Natahimik siya, yumuko at hindi na nag-angat ng mukha. Doon naman nagsalita si Dr. Ariq.

"I'm fine, Zehra. Sanay na akong ganito kami ng kapatid mo, so this is not a problem with me."

At mas kumunot naman ang noo ko sa isinagot nito. Sanay? ibig sabihin ay hindi lang ngayon ganito ang naging asta ng kapatid ko sa kaniya? mabilis kong muling binalingan si Seya. Nakakuyom ang mga kamay niya na nakapatong sa kaniyang mga hita, halos hindi na siya gumagalaw.

"Seya, hindi tayo pinalaki ng mga magulang natin na bastos. At lalong hindi kita tinuruan na mawalan ng utang na loob sa mga taong tumulong sa atin."

"Zehra, it's fine. I am okay," paniniguro ni Dok sa akin pero talagang nainis na ako sa ginagawa ni Seya. Ngayon na lang rin ako ulit naging ganito sa kaniya na napagtaasan siya ng boses. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya at nagkakaganito siya.

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now