Chapter 124

888 25 0
                                    


Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako.

"Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."

Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako.

"Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."

Yumuko naman siya

"Sige po, Ma'am Zehra."

Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok.

"Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.

Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.

At napansin ko na habang sinasabi niya 'yon kanina ay parang kahapon lang naganap ang pagkaka-ospital ni Lianna.

"I had no idea that she's pregnant when I accidentally pushed her because she didn't want to leave my place . Nang malaman ko na buntis pala siya ay sobra akong nagulat. I went to the hospital right away. And I couldn't move and defend myself that time to my brother, Zehra. Pero, para rin akong nagising sa ilang suntok ni Eleazar sa akin sa lahat ng masasakit na ginawa ko kay Lianna."

Pabagsak akong naupo sa kama at napabuntong hininga. Naniniwala ako na may mas karapat-dapat sa pagmamahal ni Lianna, at hindi si Errol 'yon. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya.

Pero kanina naroon na ang pagsisisi, ang matinding kalungkutan. Doon ko rin napagtanto na mahalaga pa rin talaga si Lianna sa kaniya.

Nang tumunog ang cellphone ko ay nakita ko ang pangalan ni Thauce. Napangiti ako agad bago 'yon sagutin. Siguro ay ngayon lang ulit siya nagka-oras para tumawag.

"Hello. Nakauwi na ako. Ime-message pa lang sana kita."

Ang ngiti ko ay napawi nang marinig ang sinabi niya.

"Nag-usap kayo ni Errol."

Naku po.

Minsan nahihigawaan rin ako sa kaniya. Sa isla si Tristan pala ang mga mata niya para bantayan ako, eh dito kaya? Imposibleng si Adriano dahil hindi ako nito nasundo.

"Ahh, nagkita kasi kami kanina sa mall... minabuti ko na rin na kausapin siya. Nabanggit ko naman sa 'yo na gusto ko rin makausap si Errol, hindi ba?"

"And you know that I am against it."

Ikinabuntong hininga ko naman 'yon.

"Pag-uwi mo na lang saka tayo mag-usap. Magpapalit na ako ng damit."

"You are escaping, Zehra Clarabelle."

Napatayo ako. Naiinis na naglakad palapit sa cabinet at kumuha ng mga damit.

"Escaping? Bakit parang kasalanan naman ang ginawa kong pagkausap kay Errol gayong alam mo naman na gusto ko rin itong makausap tungkol sa mga nangyari?"

"Zehra–"

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Seloso."

Pagkasabi ko non ay pinatay ko ang tawag.

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now