Chapter 117

1K 28 1
                                    


Muli kong ikinulong ang mukha niya sa mga palad ko at iniharap ko siya sa akin. Nakangiti na ako ngayon pero si Thauce ay nakasimangot pa rin. Hindi ako kabado na baka galit siya o nagtatampo dahil ang cute-cute niya sa paningin ko.

"Ganito na lang, kahit papaano naman ay may alam ako na trabaho. Pwede mo akong utusan mag-sort ng mga papers mo dito, or iaask ko si Shirley, kung may mga trabaho akong kaya."

Pero hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ni Thauce, ganoon pa rin at parang nagtatampo. At nakaharap nga ngayon ang mukha niya sa akin kaso naman ay umiwas ng tingin ang mga mata niya.

"I don't want you to work. I want you to focus on your studies, Zehra Clarabelle."

Napabuga ako ng hangin. Mukhang wala kahit isa ang magpapatalo sa amin lalo na sa tono na ngayon ng boses niya. Ibinaba ko ang mga kamay ko na nasa mukhan niya. Nang bababa na ako sa kandungan ni Thauce para sana kunin yung lunch niya ay nagsalita siya ulit.

"But if you insist on working for me, then I won't argue with you anymore."

Nagliwanag naman ang mukha ko doon. Napangiti ako sa kaniya pero nang magtama ang tingin namin ay unti-unting nawala ang ngiti sa akin nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Hinapit rin ni Thauce ang aking batok at inilapit niya ako sa kaniya.

Muling bumalik ang higpit ng hawak niya sa baywang ko.

"I will give you special work... that only you, my wife, can do."

"T-Thauce!" sita ko sa kaniya nang maramdaman ko na ang paglakad ng kamay niya sa hita ko. At dahil medyo nakaangat na ang dress na suot ko ay malaya na ngayong humihimas doon ang kamay niya.

Syempre, alam ko at nakuha ko ang 'trabaho' na gusto niya!

"Hindi... h-hindi ako nagbibiro sa sinasabi kong trabaho, ha?" sinubukan ko pang pagalitin ang boses ko pero si Thauce ay nakangisi lang sa akin lalo nang umangat pa lalo ang kaliwang palad niya.

"I am not kidding, too, asawa ko..."

Muling tumaas ang mga balahibo ko nang haplusin niya ang hita ko, lalo nang maramdaman ko ang nabubuhay niyang pagkalalake na nauupuan ko mismo. At sa tingin ko ngayon kay Thauce, sa namumungay niyang mga mata ay mukhang ang trabaho na nais niya ay gusto na niyang magsimula ako ngayon.

"Parang hindi naman trabaho 'yon, eh."

Napada'ing ako nang ibaba ng isang kamay niya ang puff sleeve ng dress ko at patakan ng halik ang aking balikat. Nang umangat ang tingin sa akin ni Thauce ay napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.

"You want to work, and this is the only work I can offer, Mrs. Cervelli..."

Wala na rin talaga akong masabi. Napailing ako at napangiti na lang habang patuloy ang paglakad ng mga labi niya sa balikat ko. At nang maramdaman ko ang dila niya at ang pagsipsip sa parte na 'yon ay napasinghap ako.

"T-Thauce!"

"Is that a yes?"

"D-Dito talaga sa opisina mo?" paniniguro ko.

Tumaas ang sulok ng mga labi niya at hindi ako sinagot. Pero dumukwang siya at may pinindot sa gilid.

"Shirley, don't let anyone in. Mag early lunch break ka na rin at kung may magtanong kung nasaan ako sabihin mo, umuwi na."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. At pagkabalik sa akin ni Thauce ay tinampal ko siya sa braso. Ang loko!

"Don't worry, the door is locked and no one would dare to come inside. Hmm, so... ano pa ang itatanong ng asawa ko?"

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now