Chapter 74

2.7K 45 56
                                    




"It's near. Why? you don't trust me, Zehra?" bigla ay tanong niya. Naglumikot ang mga mata ko at hindi ko natagalan ang tingin ni Kit. Napalingon pa ako sa likod ko sa may resthouse.

"H-Hindi naman sa ganoon, hindi pa kasi ako tapos sa pag-aayos ng mga gamit ko at--"

"Sandali lang na pag-uusap, I also want to show you the place, Zehra. Pagkatapos ay babalik na tayo dito."

Hindi ako ulit nakasagot agad. Nakita ko na napailing si Kit, nakita ko ang disappointment sa mukha niya.

"Okay, if you don't trust me then--"

"S-Sige, pero sandali lang. Hindi na rin kasi ako pwedeng magtagal."

Tumango naman siya at may kinuha sa bulsa niya. Susi ng kotse. Nang umilaw ang sasakyan hindi kalayuan sa amin ay naglakad na si Kit, ganoon rin ako. Hindi ko alam kung tamang desisyon ito pero alam ko na mapagkakatiwalaan naman siya, galing na rin kay Lianna na mabuting tao si Kit ngunit ano itong bigat sa dibdib ko?

Nang makasakay na ako sa kotse at lisanin namin ang resthouse ay medyo madilim na, sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko na tumitingin sa akin si Kit, tahimik siya at hindi ako sanay. Hindi rin siya ngumingiti, malayo sa unang Kit na nakilala ko.

Ano ang mga sinabi ni Rita sa kaniya?

"It's just in the forest. Nang umalis kami noong gabi to drink, I found that beautiful place and the only person that came in my mind to bring there was you."

Napayuko ako. Naipaliwanag ko naman na sa kaniya na hindi ko kayang tanggaping ang pagmamahal niya pero kahit ngayon ay gusto niya pa rin akong dalhin doon.

"Kit... kasi--"

"I know, let's talk when we're there, Zehra."

Nang maalala ko na sabihan na lang si Lianna ay kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero nang maalala ko na hindi ko pala nakuha sa ibabaw ng table sa gilid ng kama ay napapikit ako ng mariin. Sht ka, Zehra.

"What's wrong?"

"W-Wala, naiwan ko pala yung cellphone ko. Puwede bang makitext kay Lianna? may importante lang akong sasabihin sa kaniya."

Mas dumilim ang paligid dahil nakapasok na ang sasakyan sa gubat, maalog na rin ang kotse dahil sa daan. Tumingin ako kay Kit, matagal siya bago hindi sumagot.

"I left my phone too, ngayon ko lang naalala nang sabihin mo."

Pagkarinig ko non ay ibinalik ko ang tingin sa labas. Nailapat ko ang palad ko sa tapat ng dibdib ko. Hindi na ako mapakali. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagtiwala na lang sa mga salita ni Lianna kanina na mabuting tao si Kit, na mabuti itong kaibigan.

Ayokong husgahan siya pero... i-iba ang nararamdaman kong kaba.

"We're here."

Nang marinig ko 'yon ay huminto na rin ang sasakyan. Tumingin ako sa harapan, pagkapatay ng ilaw ng kotse ay napaawang ang mga labi ko.

"H-Hala..." ang kaba ko ay nawala, napangiti ako nang makita ang lugar.

"This is what I want you to see, Zehra."

Bumaba na si Kit at ganoon rin ako, ang ngiti sa mga labi ko ay naroon pa rin at nakatingin ako sa paligid. Napakaraming alitaptap! mayroon rin mga ligaw nabulaklak sa paligid at parang paraiso ang lugar na 'to.

May ganito pala dito.

"Dito ko sana gustong ipagtapat sa 'yo yung nararamdaman ko pero nasira dahil sa selos ko kay Errol."

Napatingin ako sa kaniya, iyong nangyari sa kitchen. Kaya rin ako sumang-ayon na makipag-usap non sa kaniya ay para sabihin na mali ang ginawa niya. Ngumiti ako ng tipid kay Kit at tumango.

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now