Chapter 126

1.1K 30 0
                                    

Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko.

"Good morning, wife."

Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak.

"Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na.

"Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal."

"I made our breakfast already, I know you're tired."

Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin.

"Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako.

"Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!" pero nakalabas na kaming dalawa ng silid habang buhat niya. At nang makarating kaming dalawa sa dining area ay naroon na ang mga pagkain at nakahanda na. May sinangag na kanin, pritong itlog, may bacon rin at pritong saging.

"Baka ma-late ka? anong oras na ba?" tanong ko, napabaling ako sa oras pero nasagot na 'yon agad ni Thauce.

"8:30 am."

"H-Ha?!" nagulat pa ako, at nakita ko nga na alas otso na ng umaga! sobrang haba naman ata ng tulog ko kumpara sa mga nakaraang araw na sa tuwing may mangyayari sa amin ng ilang oras ay hindi naman ganito ka-late ang gising ko?

"A-Ako na dito ay, pwede ka nang pumasok."

Alas otso kasi ang oras ng opisina tapos kagabi ay trabaho pa ata ang pinag-uusapan nila ni Doc. Ariq, at nabanggit pa ni Seya na may 'big projects' itong si Thauce. Pero itong asawa ko ay wala pang balak pumasok dahil tumayo at nagtimpla pa ng gatas.

"I actually wanted to let you sleep longer, but I couldn't resist kissing you while watching you wake up. I'm sorry that I interrupted your sleep, baby."

Ibinaba niya sa harapan ko ang gatas at kinuha ko naman 'yon. Humigop ako ng kaunti. Alam ko naman na ang isasagot rin ni Thauce kapag sinabi ko sa kaniya na male-late siya. Na hindi ako dapat mag-alala kasi siya ang boss.

"Okay lang, ako nga itong masyadong napahaba ang tulog. Hindi kita tuloy naipagluto ng breakfast pero 'di bale, babawi ako mamaya," nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Ako naman ang maghahanda ng lunch mo, dadalhin ko na lang sa opisina mo."

"Really? I'll tell Adriano then para maihatid ka," at mukhang nagustuhan niya 'yon dahil nagliwanag ang mukha niya. Napansin ko rin nga na gusto ni Thauce na bumibisita ako sa opisina niya. Lalo na kapag nakasuot ako ng... dress.

Nang muli akong humigop sa gatas ay napatingin akong bigla sa kaliwang kamay ko. Napatigil ako at napaawang ang mga labi ko nang ngayon ko lang 'yon natingnan. Teka... k-kailan niya ito isinuot sa akin?

Umangat ang mga mata ko kay Thauce, nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.

"You just noticed now," sabi niya at kinuha ang kamay ko... hinalikan ang ibabaw non sa parte kung nasaan ang singsing. At nang mapansin ko rin na may suot siya ay natuon naman doon ang atensyon ko.

"Thauce..."

"I am sorry that it took so long for our ring to arrive..."

Napailing ako, nakatitig sa aming mga kamay--sa aming mga daliri. D-Diamond ring ... at sukat na sukat 'yon sa daliri ko. At kapareha iyon ng suot niya. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang muling tingnan si Thauce.

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now