Chapter 129

1K 24 0
                                    


Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho.

Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake.

"Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan."

Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita.

"Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito."

"Can you go alone?"

"Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration."

"Okay, baby, be careful."

Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueberry cheese cake kaya nag-order rin ako. Pati ang vanilla almond cake. At ang isang buong birthday cake na dapat na order ko lang ay nadagdagan pa ng apat na klase ng cheesecake.

"Ma'am ito po ang number ninyo, paki-wait na lang po sa table, lalapitan na lang po kayo ng waiter pag okay na po ang order ninyo. Thank you po!"

"Sige, maraming salamat rin!"

Naupo na nga ako sa pandalawahan na table. Kinuha ko rin ang cellphone sa loob ng bag ko. May message si Thauce na nakahanap na siya ng parking lot pero medyo malayo. Sumagot naman ako na naka-order na ako at nakaupo lang ako sa gilid. Sinabi ko rin na hintayin na lang niya ako doon at huwag nang pumunta dito.

"Here's your order."

Napaangat ako ng tingin nang maibaba na sa table ang mga binili ko. Tumayo na rin ako.

"Maraming salamat," sagot ko sa lalakeng nagdala. Kinuha ko ang paperbag na laman ang mga cakes na order ko. At nang hindi ito umalis sa harapan ko ay napatingin ako dito.

"Ahh, yung number," sabi ko naman. Kinuha ko ang order number at inabot rito pero ngumiti lang ito sa akin.

"Hello, is this your first time buying here in my shop?"

My shop.

Hindi waiter ang kaharap ko. Kung hindi ang may-ari. At hindi ko nagugusuthan ang klase ng titig at ngiti nito sa akin.

"Oh, by the way, I am Wilfred. And you are?" tanong nito at inilahad ang kamay sa akin pero bago pa man ako makapagsalita upang makapagpaalam ng maayos ay siyang pagdating ni Thauce mula sa likod ko at siyang umabot ng kamay ng lalake na nakahalad.

"She's Zehra Clarabelle Cervelli. My wife."

Napangiwi ako sa tono ng boses na nagbabanta lalo na nang makita ko ang talim ng tingin dito ni Thauce.

"C-Cervelli?" namutla ang lalake na parang nakilala nito si Thauce. At dahil marami-rami ang mga tao sa paligid ay napalunok ako sa kaba lalo at ang asawa ko ay napansin kong humihigpit ang pakikipagkamay sa lalake na ikinalukot na ng mukha nito. Sinusubukan na rin nitong kumawala kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko si Thauce sa baywang.

"T-Tara na..."

Binitawan na ni Thauce ang lalake pero hindi pa rin kami umalis dahil iniangat niya ang kamay namin dalawa na may suot na singsing.

"In case you didn't see, asshole."

"But, of course, the ring is very obvious but you just ignored it."

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now