CHAPTER 4

193 5 0
                                    

Umupo ako ulit sa sofa at pinanood si finley sa kusina magluluto siya, hindi ko na din siya kinausap dahil alam kong maiinis lang ako sa sagot niya.

"How's your day?"

"Huh?" Kumunot ang noo ko nang marinig iyo mula sa kanya, talaga bang sinabi niya 'yon?

"Hindi mo ba narinig?" Lumingon siya sa'kin

I rolled my eyes "Okay lang naman"

Hindi na siya muling nagsalita kaya hindi nadin ako nagsalita pa. Pagkatapos namin kumain siya ulit ang naghugas ng mga pinagkainan namin.

Tumayo ako para pumunta na sa kwarto niya dahil inaantok na ako,

"Good night." Sabi niya na nakapag-pahinto sa'kin.

Saglit akong nakatingin sa kanya, ngayon lang kasi siya nagsabi ng good night.

"Hindi pa siguro gabi kaya wala akong good night galing sayo." Muling sabi niya

Dahil sa sinabi niya tumawa ako, pero tumingin siya sa'kin ng nakataas ang isa niyang kilay kaya tinakpan ko ang bibig ko gamit ng kamay ko, pinipigilan ko ang tawa ko.

"Good night" sabi ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto.

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko ngayon.

Pagkatapos kong maligo at nagbihis lumabas na ako ng kwarto, paglabas ko nakita ko si finley nakatayo naka uniform na siya mukhang hinihintay niya ako.

"Hi" I said 

Pero tulad nang inaasahan ko tinignan lang niya ako na walang kahit anong emosyon, nauna na siyang palabas kaya nakasimagot tuloy akong sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa parking lot ng school kaagad na kong bumaba sa kotse ni finley baka kasi makita ako ng dalawa kong kaibigan at magtanong pa sila tungkol kay finley.

Nang matapos ang subject namin saktong lunch break na kaya nagyaya si riya na kumain kami sa cafeteria.

Paglabas namin ng room panay ang tingin ko sa paligid at sa likuran ko baka kasi makita ko si finley.

"Baka mabali na yang ulo mo kakalingon mo" natawang sabi ni mia kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Bigla akong napasimangot dahil hindi ko siya makita kahit saang tingin ko ay wala siya, binagalan ko din ang lakad ko kaya nauna na 'yong dalawa.

"Are you looking at me?" Isang familiar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko.

"Saan tayo pupunta?" I asked bigla na lang kasi niya ako hinila at ngayon nasa loob na kami ng kotse niya hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Lunch" maikling sagot niya

Tumango na lang ako, mayamaya pa huminto kami sa isang Japanese restaurant  nakasunod lang ako sa kanya papasok sa loob.

Umupo kami sa pang dalawang table nakapag order nadin siya ng pagkain namin kaya hinihintay na lang namin.

"Finley" sabi ko pero hindi niya ako tinignan "Finley freen" ulit ko

"Just call me freen" sabi niya habang ang tingin niya sa phone niya may tina-type siya doon.

"May boyfriend kana ba?" Dahil sa tanong ko tumingin siya sa'kin habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay mukhang hindi niya nagustuhan iyong tanong ko.

Magsasalita pa sana ulit ako pero dumating na 'yong pagkain namin kaya tumahimik na lang ako. Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa school ulit dahil may classes pa kami.

"So may boyfriend kana nga?" Tanong ko pabalik na kami ngayon sa school

"Why are you asking?" She said while driving

"Wala curious lang ako" tumingin ako sa kanya

"Wala" sabi niya saka siya tumingin sa"kin "There's only you"

.........

"There's only you"

"There's only you"

Nakahiga na ako ngayon pero paulit ulit pa rin pumapasok sa isip ko 'iyong sinabi ni freen kanina sa'kin.

Ano bang trip niya? Biro lang ata niya 'yon pero seryoso naman siya nong sinabi niya 'yon.  Di kaya crush niya ako?

"No, no, no" umiling iling ako dahil sa mga iniisip ko, teka bakit ko ba siya iniisip?

Hindi ko namalayan kakaisip ko nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil sa katok mula sa pintuan.

"Ano ba yon?" Sabi ko pagbukas ko ng pinto "Aga aga" reklamo ko

Kumunot ang noo ko nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa, parang hinuhusgahan niya ako

"It's already 10 AM" Sabi niya "Hindi kapa kumakain."

Lalo tuloy kumunot ang noo ko, ano naman kung hindi pako kumain?

Magsasalita na sana ako para tanungin kung bakit pero tinalikuran na niya ako naglakad na siya paalis, nalilito tuloy akong bumalik sa loob

Pagkatapos kong maligo nag bihis na ako I was wearing a mini purple dress, dahil walang pasok ngayon naisipan kong maglakad lakad sa labas.

"Where are you going?"

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si freen naka upo sa sofa, hindi siya nakatingin sa'kin doon siya nakatingin sa kanyang laptop

"Kakain sa labas" sagot ko

Isinira niya iyong laptop saka tumingin sa'kin 'yong kaninang walang emosyon niya mukha biglang kumunot ang kanyang noo hindi ko alam mukhang meron siyang hindi nagustuhan.

"I'm going with you" sabi niya

Aangal pa sana ako pero nauna na siyang naglakad palabas.

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz