CHAPTER 9

174 6 0
                                    

Finley Freen Point of view

"Why are you sad?"

Tumaas ang tingin ko sa batang nakatayo sa harap ko nandito ako ngayon nakaupo sa damuha dito sa garden ng bahay namin

Tinitignan ko siya ng maiigi siguro mga nasa 11 years old siya habang ako naman 14 years old

Nakasuot siya ng pick dress hanggang tuhod niya, may hairclip with ribbon nakalagay sa buhok niya color pink din,

"What's wrong?" Sabi niya ulit dahil nakatitig ako sa kanya, ang cute niya

"Your cute" I said smile

"Yeah I know" Inirapan niya ako

Natawa ako ng kaunti dahil sa pagsusungit niya

"So boring, ang tagal naman ni daddy ko" Reklamo niya saka tumingin sa bahay isa siguro sa meeting ni daddy and daddy niya.

Tumingin ulit siya sa'kin tinanggal rin niya iyong ribbon hairclip niya, kumunot ang noo ko nang ibigay niya sa'kin 'yon

"Sayo na yan para hindi kana ma-sad" Ngumiti siya sa'kin,

Tinanggap ko yon at nginitian siya "What's your name?"

"My name?" Tanong niya pabalik "My name is to long but you can call me, Nat"

"Nat? That's cute"

"And you, what's your name?"

Magsasalita na sana ako pero may tumawag na kay nat, kaya nagpaalam na siya sa'kin.

Simula noon halos araw-araw nakaupo na ako sa damuhan ng garden namin hinihintay kong bumalik si nat.

Akala ko makikita ko pa siya ulit, pero hindi na dahil pinagbabaril kotse ng daddy ni nat habang pauwi na sila noong araw na iyon.

............

7 years later

"Nathia Becky Armstrong"

May tuwa sa puso ko nang makita ang pangalan lumabas sa aking laptop, buhay siya.

Ilang taon na rin simula noong sinubukan kong hanapin si nat pero kahit anong paghahanap ko sa kanya ay hindi ko siya makita dahil tanging alam ko lang sa kanya ay ang sinabiya niyang itawag ko sa kanya na nat, kaya mahirap hanapin. Mabuti na lang at pa secreto akong hinanap ang mga pangalan ng mga kaibigan at business partner ni daddy, sa dami ng mga kabusiness ni daddy hindi ko alam kung sino doon ang daddy ni nat, kung sino ang pangalan niya

Kaya ang ginawa ko hinanap ko isa-isa ang mga pangalan doon sa record ni daddy. Hanggang sa ito at nakita ko na rin ang matagal ko nanghinahanap.

Lalo pa akong natuwa nang mabasa ko na nasa iisa kaming university na pinapasukan.

Wala akong kaibigan kahit sa school dahil ayaw ko naman makipag kaibigan, kaya hindi ko alam kung paano siya lalapitan

Pasimple ko siyang tinitignan sa malayo kahit sa paglabas niya ng school ay pasimple ko siyang hinihintay, kahit sa waiting shed umaalis lang ako pag alam kong nakasakay na siya sa taxi. Lumipat din ako ng condo kung saan malapit sa kanya, kung ito 'yong tinatawag nila Stalker ay wala na ako magagawa dahil ayoko siyang mapahamak.

Hanggang sa nabangga niya ako sa cafeteria pero hindi ko siya pinansin hindi ko na rin siya pinatapos sa sasabihin niya nilagpasan ko na siya.

Nandito ako ngayon sa bar nang makita ko siya kasama ang dalawa niyang kaibigan, nakatingin ako kay nat halatang hindi siya sanay uminom dahil lasing na siya.

Nakita kong tumayo siya at pumunta sa cr, kaagad akong napatayo dahil paglabas niya may dalawang lalaki ang humarang sa kanya.

Bago pa siya mahawak ng lalaki kaagad kong hinawakan ang palapulsuhan niya at hinila siya palapit sa akin.

"Don't ever touch her" Galit akong tumingin sa dalawang lalaki, alam kong kilala nila ako dahil madalas ako dito sa bar, nag sorry ang dalawang lalaki pero hindi ko na yon pinansin.

Dinala ko siya sa condo ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang password ng condo unit niya, pinalitan ko na din siya ng damit dahil mukhang naiinitan na siya sa suot niya.

Pinagmasdan ko siya habang mahimbing natutulog, hindi ko alam pero kusa akong lumapit sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.

Hanggang sa sunod-sunod na ang nangyare, dahil lagi na niya akong nakikita hindi tulad noon tinitignan ko lang siya sa malayo.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko nang makita ko siyang sa tapat ng elevator takot na takot,

Kinuwento niya sa'kin ang lahat kaya lalo akong nag-aalala, mas mabuti nang dito na lang siya sa condo ko, mabuti at pumayag naman siya na dito na muna siya

Ang daldal niya ang dami niyang tanong tungkol sa akin, pero minsan ko lang sinasagot mga tanong niya dahil baka malaman niya ang totoo at baka magalit siya sa'kin. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanya ang totoo at ipaliwanag sa kanya na walang kasalanan si daddy.

Pero.... Mali ako nagkamali ako.....Dahil

Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo at hindi lahat ng ating nakikita ay dapat paniwalaan.

Alam na niya, alam na niya kung sino ako

Nandito ako ngayon sa sofa kahapon ko lang nalaman ang mga plano niya, ang paglapit niya sa'kin lahat yon nakaplano iyong taong humahabol sa kanya ay plano niya.

May kung anong kirot ang naramdaman ko nang malaman ko 'yon. Nandito siya ngayon at nanonood ng movie

"Wala ka pang first kis....."

Hindi ko na siya pinatapos lumapit ako sa kanya at hinalikan siya,

Hindi ako galit dahil sa sinabi niya, galit ako dahil sa mga nalaman ko. Pero hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan.

Pagkatapos non bumalik na siya sa condo niya, dapat hayaan ko na siya at layuan pero hindi ko kaya iniisip ko pa lang na hindi ko siya makikita ang sakit-sakit na kaya pumunta ako sa condo niya kahit ayaw niya pumasok pa rin ako at natulog sa condo unit niya

"Anong oras uwi mo mamaya?" Tanong ko pagkahatid ko sa kanya sa room niya galing sa cafeteria

"4:30, bakit?"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit

"Can I take you out on a date?"

Umaasa akong papayag siya but she rejected me, ginawa ko ang lahat para magustuhan niya at maisipan niyang itigil kung ano man ang binabalak niya.

"I like you freen"

Para akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko ng marinig iyon mula sa kanya, saglit akong natulala

Isang linggo niya din ako iniwasan pero eto ngayon ang narinig ko mula sa kanya. Alam kong hindi totoo iyon pero gusto kong isipin kahit ngayon man lang ay totoo ang sinabi niya sa'kin.

Gusto kong isipin na totoo lahat ang pinapakita niya sa'kin na totoong gusto niya ako

Sa tuwing magkasama kami parang ayoko na matapos ang araw dahil gusto ko kasama lang siya. Walang araw na humihiling ako na sana hindi na siya mawala sa akin dahil alam kong sasarili ko na hindi ko kakayanin pag nawala siya sa'kin

"I didn't like you" Sabi niya walang kahit anong emosyon "I used you"

Parang pinipiga puso ko sa mga narinig ko mula sa taong mahal ko.

Unti-unti kong binitawan siya hanggang sa makalabas siya sa condo nakatayo lang ako halos hindi ako makahinga sa sobrang bigat ng nararamdam ko ngayon

I started crying

Hindi ako umiiyak dahil sa mga sinabi niya, umiiyak ako dahil mawawala na siya sa'kin mawawala na ang taong gusto kong makasama habang buhay.

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now