CHAPTER 21

154 4 0
                                    

"Freen?"

Naglakad ako palapit sa kanya nasa balcony siya habang nakatingin sa malayo, paglapit ko kaagad akong yumakap sa kanyan sa likod. Naamoy ko ang mabango niyang perfume

"Galit kaba?" Tanong ko ulit dahil wala siyang imik isang linggo na simula nong pumunta kami sa bahay, tapos nitong mga nakaraan bigla na lang siya naging tahimik. Ah oo baka nagalit siya dahil sa mga nalaman niya noong araw na 'yon "Sorry na hindi ko naman gustong itago sayo ang lahat"  malungkot akong tumingin sa kanya ngayon ay nakaharap na siya sa'kin

"I'm glad that your father h--"

"I'm sorry"  putol ko sa sasabihin niya "Hindi ko gustong itago iyon sana maintindihan mo"

Wala naman talaga akong balak itago sa kanya na okay na si daddy na coma siya ng ilang taon, pero nong umalis ako dito noon pagdating namin ni mommy sa Canada gising na si daddy. Bumalik ako noon sa pilipinas ngunit bumalik din ako agad sa Canada dahil hindi ko kayang kausapin si freen nagu-guilty ako dahil sa mga nangyare dahil sa mga ginawa ko.

"I understand"  tipid siyang ngumiti sa'kin

The nex day I woke up around 10 AM, paggising ko wala na si freen hindi rin siya nag text o nag-iwan ng notes man lang.

Baka siguro nagmamadali siya kaya nakalimutan niya, paglabas ko ng kwarto mayroon ng nakahandang breakfast sa table. Pagkatapos kong kumain at maligo lumabas ako ng condo since day off ko naman ngayon naisipan kong pumunta sa bahay namin.

"Nako ma'am maaga pong umalis ang daddy ninyo ang mommy ninyo po kakaalis lang"  sabi ng isang helper

Tumango ako saka naglakas palabas ulit ng bahay, bumalik ako sa condo pero nag grocery muna ako balak kong magluto para kay freen.

Pagkatapos kong magluto naligo nako at nagpalit ng damit, nakaupo ako sa sofa habang hinihintay si freen nanood ako ng Netflix pero hindi naman ako naka focus sa pinananood ko dahil panay tingin ko sa pinto. Bakit ang tagal niya? Ngayon lang siya na late ng uwi, ah baka may tinatapos lang siya sa office marami kasing trabaho si freen.

Ilang oras ako naghintay bago ko narinig ang pagbukas ng pinto, kaagad akong tumayo nang makita ko si freen.

"Bat ngayon ka lang? Kumain kana ba? May nilut-"

"Kumain na'ko" putol niya sa sasabihin ko

Tumingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa'kin, hindi man lang niya ako sinulyapan nang naglakad siya papasok sa kwarto.

Hindi kaagad ako sumunod kay freen naglakad ako palapit sa table kung saan nandoon ang nakahandang pagkain, pagkatapos kong iligpit ang mga pagkain umupo ulit ako sa sofa pinatay ko na rin iyong TV

Huminga ako ng malalim baka pagod lang si freen kaya siya ganon kanina, o baka marami lang siyang iniisip.

Pagpasok ko sa kwarto nakahiga na si freen sa kama at mukhang tulog na siya, tahimik akong tumabi sa kanya saka yumakap. Kahit may tampo ako balewala iyon dahil alam kong nandito lang si freen, nandito lang siya para sa'kin at alam kong lagi siyang nandito para sa akin.

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now