CHAPTER 11

176 5 0
                                    

Tahimik kong tinatahak ang daang papuntang tagaytay,

Noong isang araw sinamahan ako ni mommy para malaman ko kung saan ang location ng bagong report. At ngayon ako na lang mag-isa dahil alam ko naman na

From Manila to Tagaytay is around 2 to 3 hours, depending on the traffic, and takes 2 hours, is the fastest way to get from Manila to Tagaytay

Pero dahil mabagal ang takbo ng sasakyan ko halos 5 hours akong nagmaneho, nagsisisi tuloy ako sana nagpasama na lang ako sa driver namin.

Pagkarating ko sa private place kung saan ang location ng bagong resort, bumaba ako sa kotse tumingin ako sa paligid nakita ko ang mga workers na nagtra-trabaho.

May lumapit sa aking isang lalaki, kung hindi ako nagkakamali siya ang engineering dito at siya ang may hawak na project na to. Si Leo Jamires

"Ms Armstrong" Sabi niya "Dito po tayo"

Kilala ko naman siya kaya tumango ako, sabay kami naglakad ni leo muntik pa akong matumba mabuti na lang kaagad nahawak ni leo ang braso ko.

Sabay kaming napatingin ni leo sa kotseng bumisina, kakarating lang matagal ang pagbusina niya na kahit naka park na mukhang galit ata iyong nasa loob ng kotse, color black

Maglalakad na sana ulit ako nang bumaba iyong tao sa kotseng, isang familiar na babae ang nakita ko

Mayamaya pa ay naglakad siya papunta sa amin, napamura ako sa isip ko nang ma confirm siya nga iyon.

So si freen ang sinabi ni mommy na kasama ko? Oh gosh. Mukhang alam din niya na nandito ako dahil wala naman siyang reaksyon alam kong nakita niya ako

Nakatingin ako kay freen habang papalapit siya may bitbit siyang maraming  plastic bag nahulaan ko na agad na pagkain iyon ng mga worker kasi agad niyang tinawag yung isang worker at ibinigay niya iyon.

Ngumiti sa kanya ang worker at nagpasalamat bago umalis. Mukhang madalas siya rito, teka bakit hindi ko alam na nagtratrabaho siya sa company? May hindi ba ako nalalaman? May hindi ba sinasabi sa akin si mommy?

"Ms Sarocha, nandito kana pala" Sabi ni leo

Tinanguan lang siya ni freen at nauna na siyang naglakad sa amin, hindi man lang niya ako tinignan. Well wala naman akong pake doon.

Nakaupo ako ngayon habang nakatingin sa malayo pagod na ako kakalakad kaya nagpahinga muna ako.

Habang si freen at leo naman sobrang busy marami silang pinag-usapan about sa resort, hindi na ako nakisali dahil naiilang ako pag alam kong kasama at magkalapit kami ni freen. Kakausapin ko si mommy magpapalipat ako ng ibang project

Napabuntong hinanga ako 5 years na nakalimutan ko na ang lahat at alam ko ganoon din si freen dahil parang wala na lang ako sa kanya. Para na ngalang akong hangin sa kanya, noong nasa coffee shop lang kami nang marinig kong nagsalita siya, pero ngayon kahit tignan niya ako wala na. Siguro okay na siya ngayon siguro hindi na niya ako mahal.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso sa huling pumasok sa isip ko

Umiling-iling ako sa mga pumapasok sa isip ko, ano naman ngayon kung hindi na niya ako mahal diba? Hindi ko naman siya gusto kahit noon pa.

5 PM na nang umuwi ako, kahit wala akong masyadong ginagawa dito kailangan ko pa din samahan si freen at isa pa trabaho ko rin to.

Maliit akong ngumiti kay leo nang kumaway siya sa'kin bago umalis, iyong mga workers hindi sila umuwi dahil dito sila nag stay, sinugurado din ni freen kanina na maayos lahat ang mga gamit nila dito at lalo na sa mga pagkain nila.

Sinulyapan ko si freen pumasok na siya sa kotse niya at agad nagmaneho paalis, pumasok na rin ako sa kotse ko nagbabakasakaling maabutan ko sila, pero dahil mabagal ang takbo ng kotse ko ay kahit tunog ng mga kotse nila wala akong naririnig.

Kunot ang noo ko nang magsimulang umambon at mayamaya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Kasabay non ay biglang paghinto ng kotse ko.

What the.....

Mangiyak-ngiyak na ako ngayon dahil pagabi na at ni isang sasakyan wala akong nakitang dumaan.

Wala akong magawa kundi bumaba para tignan kung na flat ba ang gulong ng kotse ko, pagbaba ko ng kotse kaagad ako nabasa dahil sa lakas ng ulan.

"Shit" Napahawak ako sa noo ko ng makitang ang gulong ng kotse ko, flat nga.

Bumalik ako sa loob ng kotse basang basa na ako ngayon,  sana may dumaan kahit isang sasakyan lang o bus man lang, pero ni isa wala,

Kunuha ko sa bag ang phone ko pag open ko, walang signal "shit"

Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig. Wala paring tigil ang pagbuhos ng ulan.

Mayamaya pa may naaninag akong kotseng paparating, pagkalapit makalapit ng kotse bababa na sana ako nang makilala ko ang kotseng iyon

Huminto ang kotse sa gilid nasa harapan ng kotse ko, kasabay non ang paglabas ni freen mula doon.

Bumalik siya? Binalikan niya ako? Ayokong mag assume pero may parte sa puso ko ang natuwa

Wala siyang dalang payong kaya nabasa na rin siya agad.

Bago pa siya makalapit lumabas na ako, kitang kita ko ang pag-iba ng reaksyon niya dahil sa itsura ko ngayon.

"Are you okay?" Kalmadong tanong niya

Tumango ako, lumapit siya sa'kin at hinawakan ang braso ko inalalayan niya akong maglakad papunta sa kotse niya

Binuksan agad niya ang pintuan ng passenger's seat pumasok ako sa kotse niya umikot siya at pumasok na din sa driver seat

"Bukas mo na lang ipaayos ang kotse mo masyadong malakas ang ulan." Sabi niya

Tumango ako mabuti na lang at nadala ko ang bag ko. Binuhay na niya ang makina ng kotse at nagsimulang mag drive paalis.

"Take this"

Nakatingin ako sa kanya ng ibigay sakin ang jacket niya, tatanggihan ko sana iyon pero ayokong magsalita kaya kinuha ko na lang, sinuot ko 'yon dahil nilalamig na talaga ako

Nakakabingi ang katahimikan walang nagsasalita sa amin, wala akong balak magsalita at ganoon din siya, mabuti 'yon dahil ayaw ko siyang kausapin.

Matapos ang mahabang biyahe nakarating na din kami sa manila, pero malas lang dahil walang daan papunta sa bahay namin dahil sa malakas na ulan at bumaha sa mga daan papunta sa bahay namin

"Pwede ba akong sumama sayo?" Halos masampal ko ang sarili ko sa hiya "Wala kasi akong matutuluyan"

Tumingin muna siya sa'kin bago tumango, tapos bumalik ulit ang paningin niya sa kalsada, hindi man lang siya nagsalita kahit oo man lang.

Ibang-iba na si freen ngayon ang laki ng pinagbago niya at mukhang nag matured pa siya lalo, kahit hindi siya nagsasalita ramdam kong nag iba na siya, hindi na siya ang dating freen na kilala ko. Hindi na siya ang freen ko.....

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now