CHAPTER 6

183 5 0
                                    

"Sino ba yung babaeng nagugustuhan mo?" Tanong ni mia nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break

"Kilala ba namin siya? Dito ba siya nag-aaral?" Tanong naman ni riya

Hindi ko pa pala nakukuwento sa kanila si freen, saka na lang hindi pa naman sigurado.

Ngumiti lang ako sa dalawa at walang balak na sagutin. "Secret"

Tumayo ako at pumunta sa comfort room, paglabas ko napahinto ako nang makita ko si freen mukhang kanina pa siya doon naghihintay

"Hi" bati ko sa kanya nang makalapit ako.

"Did you eat?" Tanong niya kaya lihim akong napangiti

"Kumain na'ko" Pangiti kong sabi

Tumango lang siya, kala ko aalis na siya pero sinamahan pa niya ako pabalik sa room ko.

Nasa tapat na kami ng room ko kaya tumingin ako sa kanya, wala na mga estudyante dahil nasa loob na nang kanilang mga room.

"Thank you" Mahinang sabi ko

"Anong oras uwi mo mamaya?" Tanong niya sa'kin

"4:30, bakit?"

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit,

"Can I take you out on a date?" She asked

"Ayoko" Mabilis na sabi ko

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil pumasok na ako sa room namin.

After ng classes ko dumaan muna ako sa library at nagpalipas ako ng oras dito

6:00 PM na kaya inayos ko na ang mga gamit ko, paglabas ko pupunta na sana ako sa waiting shed. Ngunit bigla akong napahinto nang makita ko si freen

Nakatingin siya sa'kin habang yakap niya ang kanyang sarili mukhang kanina pa siya doon dahil sa itsura niya ngayon.

"Hey" Lumapit siya sa'kin "Let's go"

"Saan?" Tanong ko

"Uuwi na tayo" Simpleng sabi niya, kinuha na din niya ang hawak kong books at iyong bag ko, siya na nagdala 'non.

"Thanks" I gave her small smile.

"Hindi kaba galit sa'kin?" Tanong ko nasa loob na kami ng sasakyan

"Why?" Tumingin siya saglit sa'kin pero kaagad rin niyang binalik tingin niya sa kalsada

"About doon sa sinabi mo"

"Forget that"

Huminga ako nagmalalim bago aku ulit nagsalita

"Do you like me?" Mabilis na tanong ko pakiramdam ko ngayon namumula na ang pisngi ko, kung hindi ko siya tatanungin hindi ako matatahimik

"No" Sagot niya

"No?" Ulit ko "Bakit mo ako hinalikan? Bakit mo ako niyayang mag date? Tapos hindi mo pala ako gusto adik kaba?" Sa mga oras nato gusto ko na lang maglaho dahil sa hiya

Nagulat ako nang bigla niyang inihinto ang sasakyan,

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang tumingin sa'kin saka niya ako hinila palapit sa kanya,

Maslalo pang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinalikan.

Gusto ko sana siyang itulak pero hindi ko magawa dahil sa mga halik niya ako'y nanghihina, naramdaman ko na lang ang kusang pagpikit ng aking mga mata

"I don't like you bacause I love you" She whisper  "I love you, Nathia Becky"

Pagkarating namin sa condo walang kasing bilis akong pumasok sa unit ko, mabuti na lang at hindi sumunod sa'kin si freen, 

Umupo ako sa sofa habang tulalang iniisip iyong nangyare kanina, bigla tuloy akong napahawak sa labi ko. Hanggang ngayon naramdaman ko pa rin ang init ng kanyang halik.

Umuling-iling ako "No hindi to tama" bulong ko sa sarili ko

Kinaumagahan nagising ako dahil sa ingay ng doorbell, matagal pa ako bumangon dahil antok na antok ako. Narinig ko ulit iyong doorbell kaya pinilit kong tumayo.

Pagbukas ko ng pinto kumunot ang noo ko nang makita si freen, ang aga aga

"Good Morning" bati niya sa'kin

Lalo tuloy kumunot ang noo ko bakit bigla ata siyang bumait ngayon?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Are you mad?" Lalong kumunot ang noo ko nang makitang ngumisi siya "Galit kaba dahil sa nangyare kahapon?"

"Bakit sa tingin mo okay lang sa'kin na gawin mo iyon?" Sinamaan ko siya ng tingin "Hindi mo naman ako girlfriend para halik-halikan mo lan....." naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita

"Then be my girlfriend" Seryosong sabi niya

Sa gulat ko biglang naisara ang pinto, napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok nito. Hindi na rin ako naglakas ng loob na buksan ulit ang pinto dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Buong linggo iniiwasan kong makita si freen, hindi dahil sa ayaw ko siyang makita kundi nahihiya ako dahil sa biglang pagsara ko ng pinto.

Gabi na nang makauwi ako, pagbukas ng elevator kaagad na akong pumasok, nagulat ako nang may biglang pumasok kaagad akong napatingin pero agad din akong nag iwas ng tingin mabuti na lang hindi siya nakatingin sa akin.

Dalawa lang kami sa loob ng elevator kaya ang awkward tuloy, isang linggo ko rin kasi siyang iniiwasan.

"Why do you avoid me?"

Napapikit ako nang bigla siyang magsalita hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik

"I'm sorry" Tumingin siya sa'kin "Hindi na kita kukulitin."

Pagkasabi niya 'iyon bumukas na ang elevator kaya nauna na siyang lumabas

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now