CHAPTER 27

189 4 0
                                    

Another year passed, isang taon na naman ang lumipas.

"Happy birthday Nathia"

Napangiti ako nang makita si sean  pagbukas ko ng pinto siya agad ang bumugad sa'kin, may dala pa siyang cake.

"Thank you sean, halika pasok ka" aya ko sa kanyan

Kinuha ko na ang cake at inilipag sa table, nakaupo na ngayon si sean sa sofa.

"You're leaving?"

Kaagad akong napatingin kay sean na ngayon ay nakatingin sa mga gamit ko.

Naglakad ako palapit sa kanya "Yeah I'm going home" tipid akong ngumiti tumingin sa'kin si sean kaya nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Take care nathia always take care of yourself" sean said before leaving.

Ang daming binilin sa'kin ni sean kanina nakakatuwa lang dahil ang bait niya, nang makaalis na si sean lumapit ako sa cake na dala niya kanina kinuhanan ko 'yon ng picture at ini-story ko sa IG minention ko pa doon si sean nag thank you lang naman ako sa kanya.

The next day I woke up early to prepare, dahil maaga ang flight ko hindi nadin ako nagpahatid kay sean nagpumilit pa nga siya kanina mabuti na lang at may importante siyang meeting ngayon.

Nang makalapag ang eroplano no sa pilipinas gabi na, paglabas ko nag airport pumara na ako ng taxi hindi na ako nagpasundo.

Pagdating ko sa bahay kumunot ang noo ko dahil nakapatay ang ilaw sa loob ng bahay wala rin tao sa gate mabuti na lang at nakabukas 'yon.

Nang nasa tapat nako nag pinto sakto naman ang pagbukas non kasabay non ang biglang pagbukas ng mga ilaw.

"HAPPY BIRTHDAY NAT"

Nagulat ako nang makita ko si mommy at ang dalawa kong kaibigan hindi lang yan pati ang mga helpers din namin nandito, may mga cakes balloons mayroon narin pagkain doon sa table.

"Happy birthday anak, I miss you" lumapit si mommy at niyakap ako minsan lang kasi pumupunta si mommy sa Canada tuwing summer lang dahil busy siya sa company

"I miss you girl"  sabay na sabi ni mia at riya lumapit sila sa'kin at nakiyakap na rin.

"Na miss ko kayo"

Pagkatapos namin kumain nagpahinga na ako, pagkatapos kong mag shower  humiga na'ko sa kama kaagad rin ako nakatulog dahil na rin siguro sa pagod.

Kinabukasan nagising ako nang may narinig akong ingay mula sa labas ng kwarto ko, babangon sana ako para i-lock ang pinto pero hindi pa ako nakakabangon narinig ko na ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.

"Riya, Mia ang aga-aga" reklamo ko dahil nandito na ang dalawa sa kwarto ko.

"So tell us about sean kayo na ba?" Mabilis sabi ni mia mukhang kinikilig pa

"Kailan naging kayo?" Si riya naman mukhang excited

Napangiwi ako sa sinasabi ng dalawang to "Hindi kami okay magkaibigan lang kami ni sean" sabi ko kilala na naman nila si sean dahil pagpumupunta sa Canada ang dalawang to madalas kasama namin si sean.

Maraming pang sinabi ang dalawa pero hindi ko na sila pinakinggan bumangon nako at naligo.

Pagkatapos kong maligo I was wearing a mini brown dress with pair a white heels.

Paglabas ko ng kwarto wala na ang dalawa umalis na, siguro nainip 'yon dahil matagal ako.

Palabas na ako ng bahay para kunin ang kotse subalit napahinto ako paano ba naman kasi nandito sina riya at mia nangunot ang noo ko nang makita ang luggage ko.

"What d--"

"Magbabakasyon tayo sa tagaytay nandito na ang mga gamit mo kaya don't worry na"  malawak ang ngiti ni mia habang nakatingin sa'kin.

"Gosh ano bang trip ninyo?"  Inis kong tinignan ang dalawa nandito na kami ngayon sa kotse ni mia papuntang tagaytay. "Hindi ninyo man lang ako pinagpahinga"

"Kaya nga pupunta tayo ng tagaytay para makapagpahinga ka" nakangiting sagot ni riya

Hindi na ako sumagot dahil alam kong sasakit lang ang ulo ko sa dalawang to.

Hapon na nang makarating kami sa tagaytay, paglabas ko ng kotse napahinto ako nang makita ang isang magandang resort.

Ilang sandali ako nakatingin sa buong resort tapos na siya at ang ganda, ito yung isa sa mga resort na hinawakan kong project noon. Kala ko hindi na ito natapos dahil umalis ako pero mali ako dahil natapos na siya at sobrang ganda niya. 

"Baka umiyak kana" tumawa si mia

Inirapan ko siya nauna na akong naglakad, iisang room lang kami nina riya at mia dahil gusto ng dalawang to katabi ako.

Noong kinagabihan after namin kumain ng dinner lumabas ako para maglakad-lakad.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa karaganan mula kasi sa kinakatayuan ko tanaw ko ang magandang view ng karagatan. Medyo malayo siya pero sapat na upang maabot ng tingin.

Hindi ko akalain na magiging ganito kaganda ang resort na to umalis ako noon ng hindi pa tapos, pero ngayon sobrang ganda na niya.

Nang mapagod ako kakalakad umupo ako sa bench, may mga iilang tao akong nakikitang naglalakad may mga mag couple rin.

Tumayo ako at naglakad papalik sa room namin, pagkapasok ko sa lobby ng resort maglalakad na sana ako ngunit bigla akong napahinto nang makita ang taong nakatayo at nakatingin rin sa'kin.

Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Sa dinami-dami ng taong makikita ko bakit siya pa? Bakit.....

Si freen pa?

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now