CHAPTER 15

166 4 0
                                    

The next morning was a Sunday. Nag sabi ako kay mommy na hindi muna ako papasok ngayon sa office, mabuti na lang at pumayang siya.

After kong maligo at nagbihis tinext ko si mia at riya kung nasaan sila nang malaman kong nasa coffee shop sila nag drive ako papunta roon.

"Oh my god girl, hanggang ngayon hindi ka parin nag-so-sorry kay finley?"  Ani mia

"Kahit hindi na kayo maging okay ulit, mas mabuting mapatawad ninyo ang isat-isa"  si riya naman

Alam na nila ang tungkol sa amin ni freen noon, dahil sinabi ko 'yon sakanila bago ako umalis noon sa pilipinas

Napabuntong hininga ako, tama sila kailangan kong makausap si freen para matahimik na ako at para malinaw na rin ang lahat.

Uuwi na sana ako pagkatapos namin mag-usap pero si mia hinatak na naman kami ni riya papunta bar niya wala tuloy akong choice kundi sumama.

Pagdating namin sa bar pinaupo kami ni mia sa table, umalis siya saglit para batiin ang mga kaibigan niya

"Tatakbo ka bang presidente?"  Pabirong tanong ko kay mia nang makabalik siya, halos lahat kasi ang nandito ay kilala at kaibigan niya 

"Watch me girls"  sabi ni mia at umalis ulit

Nagkatinginan kami ni riya at saka sabay tumawa, ang dami talaga kaibigan si mia

Naiwan akong mag-isa sa table namin dahil pumunta sa dance floor si riya para sumayaw roon

"Hi,"  napaangat ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko  "Ms Armstrong"

"Engineer leo?"  Nangunot ang noo ko nang makita siya, umupo siya sa kabila bago nagsalita

"Dito lang pala kita mahahanap"  nakangiting sabi niya

Maliit akong ngumiti, hinanap ba niya ako dahil hindi ako pumunta ng tagaytay?

"Madalas kaba dito?"  Pag-iiba ko ng usapan

"Tuwing may free time"  sagot niya habang nakangiti

Tumango ako at hindi nagsalita, natahimik kaming pareho kaya nag excuse na lang ako pupunta ng CR. Pero ang totoo gusto ko lang umalis dahil ang awkward

Nag text ako kay mia at riya na umuwi nako, hindi ko na inabala ang dalawa dahil mukhang busy na sila roon.

Nang makalabas ako ng bar naglakad ako papunta sa kotse ko, ngunit bago ako makarating bigla akong napahinto sa aking nakita

Si freen kasama niya ang babaeng nakita ko sa tagaytay, napatulala ako sa aking nakita nang halikan 'nong babae si freen.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang kirot mula roon.

Gusto kong tumalikod at tumakbo pero hindi ko magawa, para akong nawalan ng lakas dahil sa nakita ko ngayon

"What the hell are you doing via?"  Itinulak ni freen iyong babae  "Are you crazy?"

Hindi nagsalita iyong via lumingon siya sa''kin, sinundan ni freen ang tingin niya. Nang makita niya ako bahagyang napaawang ang labi niya halata sa mukha niya ang gulat.

Hindi ko alam kung pano ko nakayanan maglakad sa harap nila, nang malagpasan ko na sila pumasok ako sa kotse ko at umalis roon.

Malayo na ako nang hinihinto ko ang kotse ko, at doon na tumulo ang mga luha ko.

Tahimik akong umiiyak, bakit ang sakit-sakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit ba ako nasasaktan?

Wala naman akong pakealam kahit maghalikan pa sila roon, pero bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Ano bang nangyayare sa'kin?

Diba dapat hindi na ako masaktan? Diba dapat okay na ako dahil hindi ko naman siya gusto at lalong hindi ko siya mahal, pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan ng ganito?

Pinunasan ko ang mga luha ko balak ko na sanang mag drive ulit, nang sa may biglang kotseng humarang sa harap ng sasakyan ko.

Nagulat ako nang lumabas doon si freen, bakit siya nandito?

Lumabas ako nang makita kong nakatayo roon si freen at mukhang hinihintay niya ako lumabas sa kotse ko.

"Can we talk?"  Lumapit siya sa'kin  "Tungkol sa nakita mo is not wh--"

"It's okay, hindi mo na kailangan magpaliwanag"  I cut her off  "You're not mine anyway."

Natahimik siya kaya nagsalita ulit ako "Umalis kana pabayaan mo na ako"

Nakita ko ang sakit dumaan sa mga mata ni freen, pero lumapit parin siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko

"Hindi kita pwedeng pabayaan mahal kita e,"  mahinang sabi niya  "Pero bakit ang sakit mong mahalin?" 

Hindi ako nakapagsalit natahimik ako dahil sa sinabi niya

"Alam ko na hindi mo ako mahal tanggap ko 'yon nat, kung gusto mong layuan kita gagawin ko,"  marahan niyang binitawan ang kamay ko   "If this is a better for you I will accept it genuinely"

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now