CHAPTER 24

156 3 0
                                    

Buong araw nasa condo lang ako hindi ako pumasok sa work nagkulong lang ako dito

Kinagabihan late na naman umuwi si freen sanay nako pero may kirot parin ang daming pumasok sa isip ko na baka kaya siya laging late ng uwi dahil ayaw niya sakin? Ayaw na niya akong makita? At dahil hindi niya ako mahal?

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paghikbi ko, nasa labas pa ng kwarto si freen ayokong marinig niyang umiiyak ako. Mayamaya pa narinig ko ang pagbukas ng pinto nakahiga na ngayon ako sa kama habang nakatagilid

Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto pero alam ko nakatayo lang siya hindi ko alam kung nakatingin siya sa'kin dahil hindi ko naman siya nakikita.

Ilang saglit pa narinig ko ang pagsara ng pinto pero ilang minuto lang nang muling bumukas ang pinto, siguro nag shower lang siya

Napapikit ako nang maramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko naamoy ko pa ang sabon ginamit niya.

Gusto kong humarap sa kanya at yakapin siya sabihin sa kanya na namimiss ko na siya, pero hindi ko kaya hindi ko kayang gawin yon dahil alam ko sa sarili ko sa aming dalawa ako lang ang nagmamahal at ako lang din ang nasasaktan.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog siguro dahil narin sa pagod kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm, paggising ko tulad ng inaasahan ko wala na dito si freen.

Lumabas ako ng kwarto para maligo pagdaan ko sa may sala napahinto ako nang makita ko ang nakahandang pagkain sa table. Hindi ko iyon pinansin nagpatuloy ako sa paglakad

Nang matapos akong naligo nag-ayos ako naglagay din ako ng makeup para takpan ang mga mata ko.

Lumabas ako para mag lunch ilang araw na akong hindi nakakain ng maayos, nagtagal ako sa restaurant kahit tapos na ako kumain. Ayokong umuwi, ayokong umuwi sa condo dahil alam kong iiyak lang ako doon.

Padilim na nang naisipan kong umuwi, kung ano ano ang ginawa ko ngayon araw na to nagpunta din ako sa mall kahit wala naman ako binili.

Pagkapasok ko sa condo umupo ako sa sofa  napatingin ako sa table kung saan nandon parin ang pagkain, dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko. Napapagod na ako, pagod na ako.

Hinintay ko si freen hanggang sa makauwi siya nandito parin ako sa sofa, ngayon gabi kakausapin ko siya kailangan kong gawin to para sa sarili ko.

Ilang saglit pa narinig ko na ang pagbukas ng pinto, pinilit kong hindi tumingin sa kanya dahil alam kong hindi ko kaya sabihin ang mga sasabihin ko kapag nakatingin ako sa kanya.

Narinig ko ang naglakad niya papunta sa kwarto, huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Freen," mahinang salita ko, napahinto siya sa paglalakad "I'm t-tired" mahinang sabi ko ulit pero sapat na para marinig niya.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa amin. Ilang saglit ang lumipas bago ko narinig ang boses ni freen na lalong nagpadurog sa'kin.

"Then leave" walang kasing lamig ang boses niya

Tuluyan na nagsipatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"G-ganon lang ba kadali sayo?" Tumingin ako sa kanyan wala na akong pakialam kahit makita niyang umiiyak ako ngayon "Ganon lang ba k-kadali sayo ang l-lahat?"

Hindi siya nagsalita nakatingin lang siya ngayon sa'kin habang nakikita niyang umiiyak ako. Walang kahit anong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya

Tumayo ako naglakad palapit sa kanyan, kahit nahihirapan nilakasan ko ang loob ko

"It will hurt me to l-leave, but I will hurt myself more if I s-stay" humikbi ako kahit masakit nagawa ko parin iyon sabihin kahit nahihiripan ako.

"Umalis ka kung sa tingin mo doon ka magiging okay" malamig na sabi niya

Para akong tangang umiiyak sa harap niya parang sinasaksak ang puso ko ngayon sa sobrang sakit, tumawa ako sa kabila ng pag-iyak ko

"Ang tanga ko para isipin pipigilan mo ako na kakausapin mo ako ipapaliwanag mo sa akin ang lahat na bumalik na tayo sa dati pero hindi dahil gusto mo na talaga ako umalis" pinunasan ko ang luha ko kahit patuloy parin ang pag-agos nito "We have to stop here"

Hindi siya nagsalita kaya muli akong nagsalita kahit masakit kailangan kong kayanin to "Thank you for everything freen now I'm breaking up with you"

Naglakad ako palabas ng condo alam kong sa pag-alis ko hindi na ako muling babalik pa, kakalimutan ko na ang lahat ng masasakit na sandaling ito, ibabaon ko na sa limot ang ala-ala naming masaya ni freen.

Dahil sa muli naming pagtatagpo hindi ko na siya muling kikilalanin.

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now