CHAPTER 7

185 5 0
                                    

ANONG GAGAWIN KO?

Pagkatapos kong mag shower nagsuot lang ako ng pajamas, umupo ako sa sofa hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko iyong sinabi ni freen. Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba siya Tumayo ako naglakad palabas

Nakatayo ako ngayon sa labas ng condo unit ni freen, kakausapin ko ba siya? Pano kung ayaw niya akong kausapin? Huminga muna ako ng malalim bago ng doorbell, nakadalawang doorbell ako bago bumukas ang pinto.

Seryosong nakatingin sa'kin si freen hindi siya nagsalita mukhang hinihintay niya kung ano ang sasabihin ko.

"I'm s-sorry" Mahinang sabi ko

"Wag kang mag sorry hindi mo naman kasalanan kung hindi mo ako gusto" Walang emosyon sabi niya

"Galit kaba?" Tumingin ako sa kanya na malungkot

"It's fine I'm not even mad"

Natahimik ako kaya nagsalita siya ulit

"Kung wala kana sasabihin isasara ko na ang pinto"

"Sandali" kaagad na sabi ko hindi siya nagsalita hinihintay niya ang sasabihin ko, huminga muna ako ng malalim bago nagsalita

"I like you freen" Mabilis na sabi ko sa mga oras na to naramdaman ko ang biglang pagtaas ng dugo ko pakiramdam ko ay pulang-pula na ang pisngi ko.

Bigla siyang natahimik kaya kaagad akong tumakbo papunta sa condo unit ko, pagpasok ko napatakip ako sa mukha ko dahil sa hiya.  Pinagsisihan ko tuloy ang sinabi ko

Pumunta ako sa may kitchen para uminom ng tubig, pagtapos kong uminom napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon

Nagulat ako nang makita ko si freen.

"Paano mo nalaman passw....." Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang maglakad papunta sa'kin at walang sabing hinalikan ako.

Tumagal ang paghalik niya sa'kin, nang kumawala siya pareho kaming nakatingin sa isat-isa

"You're mine" She whisper saka niya ako niyakap

Ngumiti ako at niyak din siya pabalik

"Omg girl kayo na?" Gulat na sabi ni mia nandito kami ngayon sa cafeteria lunch break kasi kinukwento ko ngayon ang tungkol sa amin ni freen pero ko pa rin sinasabi sa kanila kung sino siya saka na lang pag sigurado na talaga.

Pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa next subject namin, nag announcement lang iyong professor namin 1week kami walang pasok dahil Christmas

Nag text si freen na hihintayin niya ako sa labas ng school kaya after mag announcement ng professor namin kaagad ko nang inayos ang mga gamit ko.

Paglabas ko nakita ko si freen nakatayo habang may tina-type sa phone niya hindi niya ako napansin kaya lumapit ako.

"Hi" Bati ko sa kanya tumingin siya sa'kin at maliit na ngumiti

"Let's go" Kinuha niya ang bag ko siya na nagdala non

Pagkarating namin hinintay muna niya akong makapasok sa loob ng condo ko, ngumiti ako sa kanya bago ko sinarado ang pinto.

Kaagad na akong naligo pagkatapos kong maligo nag suot ako ng pajamas, umupo ako sa sofa hindi pa ako kumakain ng dinner kaya naisipan kong mag order na lang ng food.

Pag open ko ng phone ko kumunot ang noo ko nang makita ang dalawa kong kaibigan ng chat sa gc namin

Mia Baldes: Malanding Nathia

Riya Mela: Omg siya yung sinasabi niyang kalandian ni nathia?

Mia Baldes: Finley Freen Sarocha, oh my gosh

Kumunot ang noo ko pano nila nalaman? n9Nakita ba nila kami sa school? Nag chat ako sa gc namin

Nathia Becky: Ssss ang ingay ninyo

Mia Baldes: Bakit hindi mo sinabi sa amin?  Omg pag away mo sa kanya sa'kin na lang siya please

Riya Mela: Ang landi mo girl hahahah

Natawa ako mag rereply na sana ako ng may nag doorbell kaya ibinaba ko ang phone ko sa glass table bago ako tumayo.

Pagbukas ko ng pinto bigla akong napangiti nang makita ko si freen napatingin ako sa hawak niyang plastic bag

"Foods" Sabi niya at ibinigay sa'kin kinuha ko iyon at pinaupo ko muna siya sa sofa ako naman pumunta sa kusina para ihain ang pagkain na dala niya.

Mayamaya pa ay narinig ko ang sunod-sunod tumunog ng phone ko kaagad akong napatingin doon ganoon na lang ang kaba ko nang mapatingin si freen doon agad ako tumakbo papunta sa kanya at walang kasing bilis kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang nagchat

Riya Mela: Alam ninyo ba mayaman daw sina finley

Mia Baldes: Di lang mayaman super yaman, pero wala siyang kaibigan kawawa naman siya

Nakagat ko ang ibabang labi ko nahihiya akong tumingin kay freen na ngayon ay nakaupo lang

"Sorry napag-usapan ka namin" Mahinang sabi ko

"Pakisabi magpapaquiz ako" Walang pake na sabi niya kaya natawa ako ng malakas

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now